Ang pesteng bukbok ay pangunahing problema ng National Food Authority o NFA dahil napakaraming mga nasisirang mga bigas na sana dapat ay makakain ng mga tao. Ngunit sadyang napakabilis at matindi kung manira ang mga ito. Bukod pa, ito rin ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng hindi magandang lasa ang ating sinaing. Karaniwan na nagkakaroon ng ganitong peste sa mga imbakan o bodega ng mga pagkain tulad bigas. Ngunit paano kung pati sa inyong bahay ay maging probema mo ito? Narito ang mga mabisang paraan upang mapuksa ang bukbok o kuto sa bigas (rice weevil): 1.Tanggalin ang mga kontaminadong pagkain Ang pangunahin at importanteng paraan upang masolusyunan ang problema sa pesteng bukbok ay alisin ang mga pagkain na kasalukuyan ng kinakain o pinamamahayan na nito. Dahil ang insektong ito ay napakahirap kontrolin lalo na kung sobrang dami na. Kaya naman suriin ang mga pagkain na sa tingin ninyo ay maaaring pamugaran tulad ng bigas, oa...
Giving you the juiciest updates available anytime, anywhere.