Skip to main content

Posts

Ito ang Sintomas ng Hepatitis B Virus na Dapat Ninyong Malaman

Ano ang Hepatitis B? Ang Hepatitis B ay isang karamdaman na sanhi ng Hepatitis B virus (HBV) sa dugo na umaatake sa atay ng taong mayroon nito. Ito ay maaaring maging banayad at mabilisang kondisyon na tumatagal lamang  ang taong apektado niton ng ilang buwan.  Tinatalang 2 bilyong katao sa buong mundo ang nagtataglay ng HBV virus sa kanilang katawan, kaya naman kinokonsidera na ito ang pinaka-pangkaraniwang impeksyon sa atay.  Kadalasan, kayang labanan ng ating katawan ang Hepa B Virus kung saan tumatagal lamang ng isa hanggang apat na buwan ngunit may mga kaso na ito ay nananatiling nasa katawan ng tao kahit lampas na sa anim na buwan mula nang unang masuri ito ng doktor. Sa ganitong pagkakataon, ito ay maidedeklarang malubha at panghabang buhay nang kaso ng Hepatitis B. Ang mga taong mayroon nito ay maaaring makahawa ng iba at kapag ito ay hindi pinagtuunan ng pansin, pwedeng mauwi sa cirrhosis at k@nser sa atay. Paano naipapasa ...

6 Benepisyo Ng Sugarcane Juice o Katas Na Mula Sa Tubo At Paano Ito Ihanda

Ang sugarcane juice ay ang katas o likido na maaaring makuha sa sugarcane o tubo. Ito ay may matamis na lasa at dito rin nagmumula ang asukal na ginagamit natin bilang pampalasa o pampatamis sa iba't ibang pagkain at inumin. Ang katas ng sugarcane ay alkaline dahil sa mataas na konsentrasyon ng calcium, magnesium, iron, potassium at manganese na may dulot na magandang benepisyo sa katawan. Alamin kung anu-ano pa ang mga benepisyong makukuha sa paginom nito at kung papaano ito iprepare. 1. Pampalakas o energy booster Ang isang stalk ng sugarcane plant ay mayaman sa sucrose, isang uri ng sugar. Na kapag naabsorb ng ating katawan ay nakakapagbigay ng instant energy boost lalo na kapag ikaw ay dehydrated o mababa ang sugar ng katawan. Maganda itong inumin ng taong stressed o mababa ang enerhiya. 2. Pampababa ng kolesterol Ayon sa mga pag-aaral, ang katas ng tubo ay nakakatulong sa pagpapababa ng cholesterol level sa katawan, samakatuwid nakakatulong sa...

5 Paraan Para Malabanan Ang Maagang Pagkulubot At Pagtanda Ng Mukha

Tiyak na karamihan sa mga kababaihan ay ninanais na magmukhang bata hanggang-hangga. Ngunit ang pagtanda ay isang natural na proseso na talagang pagdadaanan ninuman. At di kalaunan ay mahahalata ito sa pamamagitan ng pagkulubot ng balat. Marami ng paraan ngayon upang mapabata ang mukha at mabanat ang balat upang mawala ang mga wrinkles. Ngunit ang mga cosmetic procedures na ito ay may kamahalan at hindi lahat ay kayang pagkagastusan ito. Samantala, mayroon namang mga natural na paraan na maaari pa ring makatulong sa iyo upang maiwasan ang maagang pagtanda at pagkulubot ng balat. 1. Egg whites o puti ng itlog Ang egg whites ay mayaman sa protina at iba pang bitamina na nakakatulong sa pagrepair ng mga tissues sa balat. Ito rin ay nakakapagpa-hydrate at moisturize ng na-damage na balat dulot ng free radicals at stress.  Ang gagawin ay gamitin ang puti ng itlog upang gawing mask. Basagin ang itlog at ihiwalay ang pula nito. Gamit ang egg white ay iapply...

Limang Nakakamanghang Gamit Ng Castor Oil

Ang castor oil ay isang multipurpose vegetable na matagal ng ginagamit. Ito ay mayroong maraming gamit at benepisyo at kadalasan ito ay ginagamit sa iba't ibang medikasyon at produkto. Ngayon ay naging popular ang gamit nito bilang isang skin care at beauty care product.  Narito at alamin ang nakakamanghang gamit pa nito. 1. Pampakapal ng kilay at pampahaba ng pilik mata Nakakatulong ang pag-apply ng castor oil sa kilay at pilik mata upang mas kumapal at humaba ang mga ito para mas maging mukhbang kaakit akit. Ang gagawin lamang ay i-dip ang cotton buds sa castor oil, at gawin itong pang-apply sa iyong kilay at pilik mata bago matulog sa gabi. 2. Pampahilom sa sugat Ang pag-apply ng castor oil sa paligid ng sugat ay nakakatulong upang magkaroon ng moist environment ang balat na nakapaligid sa sugat na tumutulong para sa mabilis na paghilom nito. Iniistimulate nito ang tissue growth para magkaroon ng barrier na siyang magsisilbing proteksyon upang ma...

Ito ang Sintomas at Komplikasyon ng PCOS sa Ating Kalusugan (Polycystic Ovarian Syndrome)

Ang Polycystic Ovarian Syndrome o sa pinaikling tawag na PCOS ay isang kondisyon kung saan ang mga hormones ng isang babae ay hindi balanse. Ito ay nagsasanhi nang pagkakaroon ng mga cyst sa mga obaryo ng babae. Subalit huwag mag-alala dahil ang mga cyst na ito ay hindi ibig sabihin na c(a)ncerous.  Sa katunayan, isa sa kada kinseng babae ay mayroon nito. Ang eksaktong sanhi nito ay hindi pa tiyak. Gayunman, mayroong bagong pag-aaral na pinamumunuhan ni Kirsty Walters na nagsasabing ito ay maaaring hindi lamang sa mga obaryo ng babae nanggagaling kundi posibleng sa ating utak. Bagamat ang bagong teoryang ito ay nangangailangan pa ng karagdagang pag-aaral, ito ay maaaring makapagbigay daan sa ating mga eksperto upang makadiskubre ng bagong lunas para sa kondisyong ito.  Mga sintomas ng PCOS:  • Iregular na buwanang dalaw. Pahirapang malaman kung kailan ang susunod na pagreregla dahil ito ay hindi regular na dumarating. Ito rin ay maaaring ma...

Ito ang Pangunahing Dahilan Kung Bakit Nagkakaroon ng Problema sa Kidney ang Isang Tao

Napakahirap naman talaga magkaroon ng iniindang karamdaman, kaya nararapat nating pangalagaan ang ating kalusugan upang sa gayon ay malayo tayo sa ano mang mga kapahamakan na maaaring maranasan. Ano nga ba ang kahalagahan ng bato o kidney sa ating katawan? Ang bato ang siyang sumasala sa mga toxins sa ating katawan kung saan sa pamamagitan ng ating pag-ihi ay nailalabas ito. Ngunit kung hindi natin pangangalagaan ang ating bato ay maaaring mapinsala ito na siya naman nagiging dahilan ng pagkakaroon ng karamdaman.  Kapag ang isang tao ay mahihilig sa maaalat at matatamis na pagkain ay maaaring mamuo ang mga ito at bumara sa ating kidney na siyang magdudulot ng tinatawag na bato sa kidney. Maaari itong magkaroon ng impeksyon at pagbara sa daluyan ng ihi. Kung mapapabayaan ay maaaring mauwi sa pagsakabilang buhay ang karamdamang ito. Upang maiwasan ang nasabing karamdaman ay kinakailangan na iwasan ang mga ito: 1. Pag-antala sa pagpunt...

5 Natural Na Paraan Para Mailabas Ang Natural Na Mapulang Kulay Ng Labi Nang Di Gumagamit Ng Lipstick

Pangarap ng mga babae ang magkaroon ng natural na mapulang labi. Kaya naman hindi na nakakapagtaka na ang ilan ay sumasailalim pa ng cosmetic enhancements para lang magmukhang mapula at plump ang kanilang mga labi. Kung nais mong mailabas ang natural na kulay ng iyong labi, mayroong mga paraan na maaari mong subukan. Narito at alamin ninyo. 1. Sugar, lemon at honey scrub Mayroong mga labi na nangingitim dahil ang kailangan ng mga ito na maexfoliate. At makakatulong ang sugar, lemon at honey para mailabas ang natural na kulay ng labi. Ang sugar at lemon ay magsisilbing scrub para alisin ang mga d**d skin cells at mayroon itong lightening effect, at ang honey naman ay makakatulong upang ito ay ma-moisturize.  2. Paggamit ng toothbrush Tulad ng lip scrub na nabanggit kanina, ang paggamit ng toothbrush bilang scrub ay makakatulong rin upang matanggal ang mga d**d skin cells at nakakatulong pang mapalambot ang iyong mga labi. Ngunit siguraduhin na dahan-...