Napakarami ng sak!t ngayon ang nagmumula sa mga virus at bakterya. Para maiwasan madapuan nito, ang kailangan natin ay malakas na immune system. Kung malakas ang iyong resistensya, malalabanan ng iyong katawan ang mga sak!t sa ating paligid at mas mababawasan ang iyong tiyansa na magkaroon nito. Narito ang mga top foods na dapat mong kainin upang mas mapalakas ang iyong immunity. 1. Citrus fruits Alam naman natin na ang vitamin C ay nakakatulong upang mapalakas ang ating immune system. Ngunit huwag lamang tayong umasa sa paginom ng vitamins. Dapat rin na isama ninyo sa inyong diyeta ang araw-araw na pagkain ng mga pagkaing mayaman sa bitamina C tulad ng citrus fruits gaya ng lemon, orange, suha, at kalamansi. 2. Bawang Ang bawang ay totoong napakaraming benepisyong naibibigay sa katawan. Bukod sa nakakatulong itong magpababa ng presyon at mapabagal ang pagtigas ng ating mga arteries ay mayroon rin itong immune-boosting properties. Kaya hindi na nakakap...
Giving you the juiciest updates available anytime, anywhere.