Napakarami ng sak!t ngayon ang nagmumula sa mga virus at bakterya. Para maiwasan madapuan nito, ang kailangan natin ay malakas na immune system. Kung malakas ang iyong resistensya, malalabanan ng iyong katawan ang mga sak!t sa ating paligid at mas mababawasan ang iyong tiyansa na magkaroon nito.
Narito ang mga top foods na dapat mong kainin upang mas mapalakas ang iyong immunity.
1. Citrus fruits
Alam naman natin na ang vitamin C ay nakakatulong upang mapalakas ang ating immune system. Ngunit huwag lamang tayong umasa sa paginom ng vitamins. Dapat rin na isama ninyo sa inyong diyeta ang araw-araw na pagkain ng mga pagkaing mayaman sa bitamina C tulad ng citrus fruits gaya ng lemon, orange, suha, at kalamansi.
2. Bawang
Ang bawang ay totoong napakaraming benepisyong naibibigay sa katawan. Bukod sa nakakatulong itong magpababa ng presyon at mapabagal ang pagtigas ng ating mga arteries ay mayroon rin itong immune-boosting properties. Kaya hindi na nakakapagtaka na noong unang panahon pa lamang ay iniinom na ito upang malabanan ang mga sak!t at impeksy0n.
3. Luya
Katulad ng bawang, ang luya ay isang ring natural ingredient na ginagamit ng mga taong mayroong sore throat o di kaya ay may ubo. Ito ay napaka-healthy kung kaya't ginagamit rin ito bilang isang herbal remedy sa taong may sakit. Nakakatulong rin kasi itong mapabawas ang implamasyon sa katawan.
4. Spinach
Ang spinach ay kasama rin sa listahan ng mga pagkaing makakatulong magpalakas ng immune system dahil mayaman rin ito sa vitamin C. Ito rin ay puno ng antioxidants at beta carotene na nakakapagpalakas sa katawan upang malabanan ang mga impeksy0n na maaaring dumapo sa atin.
5. Green tea
Ang green tea ay nagtataglay ng flavonoids, isang uri ng antioxidant. Mayroon rin itong EGCG o epigallocatechin gallate na isang malakas na antioxidant na nakakapagpalakas ng immune function. Maganda rin itong source ng amino acids na nakakatulong sa produksyon ng germ fighting compounds sa ating mga cells.
Comments
Post a Comment