Ito ang Dahilan Kung Bakit Hindi Maganda ang Naidudulot ng Pag ulit-ulit na Gamit ng Plastic Bottles o Container!
Alam naman natin na pangunahing problema ang plastik sa ating kalikasan dahil sa masamang dulot nito. Subalit alam niyo ba na hindi lamang sa kalikasan ang masamang epekto na ito? Masama rin ito sa ating kalusugan. Ating alamin kung ano ang masamang dulot nito sa katawan lalo na paggamit ng plastic para sa ating pagkain o inumin. Isa ka ba sa mga taong inuulit-ulit na gamitin ang plastik na bote para lagyan muli ng panibagong tubig o kaya naman pinaglalagyan ng iba pang klase ng inumin upang makatulong sa pagbawas ng plastik na basura? Kung nakagawian mo na ito ay nararapat na iwasan mo na ito dahil ang maaaring maging epekto ng plastik sa ating kalusugan ay hindi kanais-nais. Ang pag-uulit ng bottled water ng ilang beses ay masama sa kalusugan dahil maaring matunaw ang mga kemikal ng plastic at ito ay iyong mainom kung saan posibleng magdulot ng masamang epekto. Ano nga ang nilalaman ng ilang mga bottled water at bakit ito masama sa ating kalu...