Ang mga gadget kagaya ng telepono, laptop at iba pa ay malaki ang naitutulong sa ating pangaraw-araw na pamumuhay. Sa katunayan, ang ilan sa atin ay nagagamit ang mga ito upang kumita ng pera o di kaya naman ay makapagrelax at mag-enjoy. Ngunit alam niyo ba na maaari rin itong magdulot ng sakuna kapag hindi wasto ang pag-alaga at paggamit natin sa mga ito? Narito ang ilan sa mga bagay na dapat nating tandaan upang maiwasan ang mga hindi inaasahang sakuna na dulot ng mga gadget: 1. Iwasan ang paggamit ng hindi orihinal na baterya Ang baterya ang siyang nagbibigay buhay sa ating mga gadget at isa ito sa mga parte na madalas masira. Kung kinakailangan ng palitan ang baterya ng inyong telepono, ugaliang bumili sa mga lugar na mapagkakatiwalan at siguradong nagbebenta ng orihinal na baterya. Ang mga pekeng baterya kasi ay may posibilidad na pumutok habang ginagamit o di kaya naman ay kapag naka-charge ang iyong telepono. 2....
Giving you the juiciest updates available anytime, anywhere.