Hindi Matukoy ng Magulang Kung bakit Madalas Kamutin ng Kanilang baby ang Kaniyang Ulo. Ngunit sa Kanilang Nadiskubre ay Lubos na Ikinabahala ng Ina!
Nagbibigay ng kasiyahan, kagalakan at katuwaan ang mga baby sa atin. Ang matitingkad na mga mata na makikitaan ng saya at mga pisnging kay sarap kurutin ay talaga namang kinagigiliwan ng karamihan. Kahit na ang mga matitigas na puso ay kayang palambutin ng mga halakhak at ngiti ng isang baby.
Gayunman, hindi pa lubos na buo ang kapasidad ng kanilang komunikasyon. Kaya naman nangangailangan sila ng tutok na pansin upang malaman ang kanilang gustong ipahiwatig o sabihin. Ang mag-asawang nakatira sa bansang China ay napansin nila na madalas hawakan ng kanilang anak ang kaniyang ulo. Sa kanilang isip ay nakasanayan lamang ito ng kanilang anak kaya naman walang dapat na ikabahala. At naniniwala sila na kumikilos lamang ito sa kaniyang katawan.
Ngunit ang akala nilang ordinaryong kilos lamang ay bigla nila itong ikinabahala. Dahil sa paglipas ng dalawang linggo napansin nilang naging madalas na ikilos ito ng kanilang baby An-An na pauli-ulit niyang hinahawakan at inilalagay ang kaniyang kamay sa kaniyang ulo. Idagdag pa na kasabay ng pagpatong ng kaniyang kamay sa kaniyang ulo ay mapapansin na hindi maipinta ang kaniyang mukha na para bang nasa matinding kirot at sak!t na nararamdaman.
Sa kanilang napansin, ikinabahala nila ito kaya mabilis silang pumunta ng hospital upang malaman at matukoy kung ano ang nangyayari sa kalusugan ng kanilang baby. Makalipas ang ilang mga pagsusuri na isinagawa ng doktor ay nalaman nila kung ano kalagayan ni baby.
Ayon sa naging resulta naikinagulat ng kaniyang mga magulang, napag-alaman na nakararanas ito ng infection sa tenga na kung saan tinatawag na Otitis media. Ang kondisyong ito ay ang pamamaga ng gitnang parte ng ating tenga. Madalas na maranasan ito ng mga sanggol at bata.
Sa sitwasyon ni baby An-An ay malala ang kaniyang kondisyon dahil sa matagal na panahong namamaga ang kaniyang tenga ng walang nagawang gamutan. Sobrang nalungkot ang kaniyang magulang at nagsisisi dahil sa nararanasan niya. Hindi man lang sila nagdalawang-isip sa kaniyang ikinikilos na ang buong pag-aakala nila ay kasama ito sa proseso ng kaniyang paglaki. Gayunpaman, napalagay ang kanilang kalooban nang sabihin ng doktor na maalagaan at magagamot nila si Baby upang lubusan ang kaniyang paggaling. Mabuti na lang at dinala nila ang kaniyang anak upang makonsulta kung hindi maaaring mas malala pa ang mangyaring infection mula rito na mauuwi sa pagkabingi ng baby.
Alam naman natin na ang mga baby ay mahina lamang ang kanilang immune system at madaling dapuan ng mga impeksy0n at virus.
Kaya narito ang ilang mga sintomas na maaaring senyales na nakakaranas ng impeksy0n sa tenga ang mga sanggol at bata:
-Lagnat na hindi bumababa sa temperaturang 38 degree celcuis
-Madalas hawakan ang tenga
-Pagkairitable
-Kawalan ng sigla
-Mahirap pakainin dahil walang gana sa pagkain
-Pagsusuka
-Pagtatae
-Paglabas ng likido sa tenga
Comments
Post a Comment