Skip to main content

Posts

6 Na Benepisyo Ng Pagkain Ng Mansanas Tuwing Breakfast

Ayon nga sa kasabihan, "An apple a day keeps the doctor away." Ito ay dahil ang mansanas ay napakasustansya sa ating katawan.  ' Ang mga apples o mansanas ay napakayaman sa antioxidants, flavanoids at dietary fiber. Narito at alamin ang mga naidudulot nitong kagandahan sa katawan lalo na't kapag kinain ito kasabay ng iyong breakfast o agahan. 1. Nagpapatibay sa mga buto Hindi ito karaniwang alam ng karamihan, ngunit ang mga apples o mansanas ay nagtataglay ng calcium at boron, ito ay mga mineral na may mahalagang tungkulin sa pagprotekta ng iyong mga buto. 2. Pampababa ng kolesterol Ang dietary fiber na taglay ng mansanas ay soluble, na ang ibig sabihin ay may kakayahan itong iabsorb ang ilang bad cholesterol sa iyong katawan. Kaya naman mas mainam kainin ito tuwing breakfast. 3. Pinapabuti ang kalusugan ng puso Nakakatulong ang mansanas na maiwasan ang plaque build up sa iyong mga arteries na siyang pinagmumulan ng mga sak!t s...

Pag-inom ng Katas ng Papaya Leaves may Magandang Maidudulot sa Mayroong Dengue Fever

Buti na lamang at mayaman ang Pilipinas sa Papaya dahil alam niyo ba na ang papaya leaves ay may kakayahin din para sa mga mayroong dengue fever? Ang dahon ng papaya ang siyang mismo na makakatulong para sa ating kalusugan lalo na kung ang isang tao ay may dengue. Ang Papaya ay kilala sa pagkakaroon ng anti-bacterial properties at nakakatulong sa maayos na digestion. Ang katas nito ay mayroong compound na makakatulong sa blood clotting at maaaring mabawasan ang internal bleeding dahil sa dengue. Ang Papaya leaf extract o katas ng dahon ng papaya ay ginagamit ng bilang treatment sa mga may Dengue fever sa ilang mga bansa. Marami ng research ang gumawa nito at walang adverse effect na masama para sa kalusugan sa paggamit nito at paginom ng katas ng papaya leaf. Bagkus, mayroon itong beneficial effect na makakatulong upang pababain ang lagnat dulot ng dengue. Paano nga ba at kailan ito dapat inumin? -Kumuha ng fresh papaya leaves at hugas...

Pag-inom ng Apple Cider Vinegar Araw-araw ay Makakatulong sa Kolesterol, Blood Sugar at Iba pang Karamdaman!

Maraming mga iba't ibang halaman, pagkain, inumin at iba pang mga bagay na nagsasabing may magandang hatid na benepisyo ang mga ito sa ating kalusugan. Madalas nagugulat na lamang tayo na ang mga akala nating basura na lamang ay may malaking pakinabang pala ito sa ating kalusugan. Kaya naman ating alamin ang nilalaman ng pinaguusapang Apple Cider Vinegar at kung ano nga ba ang maidudulot nito sa ating kalusugan.  Narito ang Limang kilalang benepisyo ng Apple Cider Vinegar:  1. Nakakatulong mabawasan ang timbang  Ito ang pinakapopular na kayang maitulong ng apple cider vinegar sa kalusugan. Maraming mga taong nakakaranas ng sobrang paglaki ng timbang. Ayon sa pag-aaral ang pag-inom ng apple cider ay nakababawas sa ating cravings sa matatamis at maaalat na pagkain dahil sa pagkaramdam ng mabilis na pagkabusog sa tuwing ito ay ikokonsumo.  2. Nakakapagkontrol ng asukal sa dugo    Karaniwan na ngayon ang pag...

Limang Karamdaman na Maaaring Idulot ng Pag-Upo ng Matagal Araw-araw

Ang kakulangan sa physical activity ang pinaka isa sa mga rason kung bakit hindi healthy ang isang tao. Sa panahon ngayon, ang mga tao ay hindi na aktibo sa kanilang buhay dahil na rin sa mga klase ng trabaho ngayon na hindi na kinakailangan ng actual na physical work.  Karamihan sa atin ay nagtatrabaho ng walo hanggang sampung oras habang nakaupo at nakatutok na lamang sa ating mga computer na kung saan ay kadalasan na nating nakakalimutan na ito ay masama sa ating kalusugan. Ang pag-upo araw araw ng napakatagal na oras ay maaaring magdulot ng mga kondisyon sa atin lalo na kung ito ay madalas nating ginagawa.  Ayon sa payo ng isang doktor, ang pagtayo at pag-uunat ng ilang minuto in between ng trabaho ay isang importanteng factor sa ating kalusugan. Subalit sa dami ng ating trabaho, minsan ay nakakalimutan na ating mag-stretch at tuloy tuloy lang tayo sa pag-upo kasabay ng pagharap sa radiation sa ating mga computer.  Kaya naman ...

Anim na Benepisyo Kung Bakit Kinakailangan Natin Kumain ng Itlog ng Pugo

Ang mga pinaka-importanteng benepisyong hatid ng itlog pugo sa atin ay ang kakayahang mapabuti ang paningin, mapalakas at mapasigla ang enerhiya sa katawan. Gayunman, kabilang rin ang matulungang mapalakas ang metabolismo, mapababa ang presyon ng dugo, maiwasan ang sintomas ng allergy at mapigilan ang mga talamak na karamdaman.  Ano nga ba ang itlog ng pugo? Ito ay nagmula sa isang hindi kalakihang ibon na makikita mula sa mga bansang Europa, North Africa, Southern United States at ilang mga bansa sa Asia tulad ng Pilipinas. Hindi kasing laki, puti o kulay ng mga itlog ng manok na madalas nating makita o bilhin sa mga pamilihan. Kasing laki lamang ng barya ang itlog ng pugo na may kayumangging balat at mga batik na kulay dark brown. Isa rin itong pangunahing pagkain sa mga street food. Narito ang Siyam na benepisyo ng itlog ng pugo: 1. Para sa maayos na paningin Makikitaan ng mataas na nilalamang vitamine A ang itlog ng pugo na kung saan n...

Tatlong Gadget Tips Upang Maiwasan ang Hindi Inaasahang Sakuna na Dulot ng mga Gadget

Ang mga gadget kagaya ng telepono, laptop at iba pa ay malaki ang naitutulong sa ating pangaraw-araw na pamumuhay. Sa katunayan, ang ilan sa atin ay nagagamit ang mga ito upang kumita ng pera o di kaya naman ay makapagrelax at mag-enjoy. Ngunit alam niyo ba na maaari rin itong magdulot ng sakuna kapag hindi wasto ang pag-alaga at paggamit natin sa mga ito?  Narito ang ilan sa mga bagay na dapat nating tandaan upang maiwasan ang mga hindi inaasahang sakuna na dulot ng mga gadget: 1. Iwasan ang paggamit ng hindi orihinal na baterya  Ang baterya ang siyang nagbibigay buhay sa ating mga gadget at isa ito sa mga parte na madalas masira. Kung kinakailangan ng palitan ang baterya ng inyong telepono, ugaliang bumili sa mga lugar na mapagkakatiwalan at siguradong nagbebenta ng orihinal na baterya. Ang mga pekeng baterya kasi ay may posibilidad na pumutok habang ginagamit o di kaya naman ay kapag naka-charge ang iyong telepono.  2....

Limang Early Signs at Sintomas na Mayroong Problema ang Iyong Puso

Ang pagkakaroon ng sakit sa puso ay maaring mangyari sa kahit na sinumang tao at kahit na anu pa ang edad nito. Madalas itong maging dahilan ng pagkamatay ng karamihan sa ating mga kababayan at ayon sa mga eksperto ito ay dulot na rin ng hindi pagkain ng masustansiyang pagkain at kakulangan sa wastong ehersisyo.  Upang maiwasan ang ganitong uri ng karamdaman, mainam na bantayan natin ang ating mga kinakain at ugaliing magkaroon ng tamang ehersisyo upang matulungang maging malakas ang ating puso.  Samantala, narito ang ilan sa mga sintomas ng sakit sa puso na dapat mong alamin ng sa ganoon ay malusan kaagad ito at hindi na lumalala pa:  1. Pagkahilo   Ang madalas at biglaang pagkahilo ay nangangahulugan na mayroong hindi tama sa iyong katawan. Maaring ito ay dahil sa gutom at kakulangan ng wastong hangin papunta sa ating utak o di kaya naman ay sintomas na ng isang malalang problema kagaya ng kondisyon sa puso. Maari ka ring makaram...