Skip to main content

6 Na Benepisyo Ng Pagkain Ng Mansanas Tuwing Breakfast


Ayon nga sa kasabihan, "An apple a day keeps the doctor away." Ito ay dahil ang mansanas ay napakasustansya sa ating katawan. 
'
Ang mga apples o mansanas ay napakayaman sa antioxidants, flavanoids at dietary fiber. Narito at alamin ang mga naidudulot nitong kagandahan sa katawan lalo na't kapag kinain ito kasabay ng iyong breakfast o agahan.

1. Nagpapatibay sa mga buto

Hindi ito karaniwang alam ng karamihan, ngunit ang mga apples o mansanas ay nagtataglay ng calcium at boron, ito ay mga mineral na may mahalagang tungkulin sa pagprotekta ng iyong mga buto.

2. Pampababa ng kolesterol

Ang dietary fiber na taglay ng mansanas ay soluble, na ang ibig sabihin ay may kakayahan itong iabsorb ang ilang bad cholesterol sa iyong katawan. Kaya naman mas mainam kainin ito tuwing breakfast.

3. Pinapabuti ang kalusugan ng puso

Nakakatulong ang mansanas na maiwasan ang plaque build up sa iyong mga arteries na siyang pinagmumulan ng mga sak!t sa puso tulad ng coronary artery d!sease. Ito ay dahil sa phenolic compound na matatagpuan sa mga balat ng mansanas. Nakakatulong ito upang maiwasan ang kolesterol na magbara sa iyong mga ugat na malapit sa puso.

4. Pinapababa ang tiyansa sa dyabetis

Ayon sa mga pag-aaral, ang pagkain ng mansanas tuwing umaga ay nakakapagpabawas ng tiyansa ng pakakaroon ng diabetes-related health conditions kumpara sa mga hindi kumakain nito. 

5. Pampapayat

Para sa mga nais magbawas ng timbang at magpapayat, simulan na ang pagkain ng mansanas tuwing umaga. Mainam itong isama sa iyong breakfast dahil sa dietary fibers na taglay nito na siyang nakakapagpaliit ng tiyan at ginagawa ka agad busog upang hindi ka na mapakain ng maraming unhealthy foods sa buong araw. 

6. Pinapatatag ang iyong immune system

Ang mga pulang mansanas ay nagtataglay ng antioxidant na quercetin na napatunayan sa mga pag-aaral na nakakapagpatatag ng immune system lalo na't kapag ang iyong katawan ay nakakaranas ng stress. 

Comments

Popular posts from this blog

7 Nakakamanghang Benepisyo Ng Paglalagay Ng Yelo o Ice Cube Sa Mukha Para Pampaganda

Dala ng mainit na panahon at matinding sikat ng araw, hindi maikakaila na ang ating balat ay nagsisimulang maging mukhang stressed at dull. Dahil dito, ang pagpahid ng ice cube o yelo sa mukha ay nakaka-refresh sa pakiramdam.  Kapag araw-araw ay nakakaranas ng stress ang iyong mukha at balat, ang ice facial ay makakatulong sa iyo upang maibalik ang dating glow ng mukha. Narito at alamin ang benepisyong hatid nito kaya naman nagiging beauty trend ito. 1. Nakakapagpaliit ng pores Kapag mainit ang panahon, ang ating mga pores sa mukha ay naka-open. At kung palaging ganito ang sitwasyon, mas maraming dumi ang kumakapit sa ating mukha at maaaring siyang maging dahilan kung bakit tinutubuan ng tigyawat. Ang pagpahid ng ice cube sa iyong mukha matapos itong hugasan ay nakakatulong upang mapaliit ang iyong mga pores at maiwasan ang pag-accumulate ng dumi. 2. Ibinabalik ang glowing skin Lahat naman ay ninanais na magkaroon ng makinis at glowing skin. At an...

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na ...

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-...