Carrot Juice, Isang Nakakatulong na Inumin Laban sa Pagkakaroon ng Leukemia o Malalang Kondisyon sa Dugo
Ang leukemia ay ang k(a)nser sa dugo kasama na ang bone marrow at lymphatic system ng ating katawan. Maraming klase ang karamdamang ito at ilan sa kanila ay mas laganap sa mga bata at ang iba naman ay mas karaniwan sa matatanda. Maaari itong mabilis na lumala o kaya’y medyo may kabagalan, depende sa klase nito. Ang mga karaniwang sintomas nito ay ang mga sumusunod: -Labis na pagpapawis lalo na sa gabi, ito ang tinatawag na “night sweats”-Pananakit ng mga buto at kasu-kasuan -Lagnat at kumbulsyon -Malimit na pagkakaroon ng impeksyon -Labis na pagkahapo at panghihina kahit walang ginagawang mabigat na gawain at hindi nawawala kahit pa nakapagpahinga na -Madaling pagdurugo at pagkakaroon ng mga pasa sa balat -Biglaang pagbagsak ng timbang na hindi sadya o intensyonal -Pagkakaroon ng mga kulani na maaaring masakit o hindi sa bandang leeg at kili-kili -Pamamaga ng atay at spleen -Pagkakaroon ng red spots sa balat Ano...