Skip to main content

Isang Lalaki, Muntik ng Mabingi Dahil Sa Paggamit ng Cotton Buds Sa Kaniyang Tenga!




Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging malinis sa ating pangangatawan at sa katunayan ay nagagawan pa natin ng paraan para masigurong walang dumi ang ilang kasulok sulukang parte kagaya na lamang ng tenga. Karamihan sa atin ay cotton buds ang ginagamit na panlinis dito dahil maliban sa madali itong gawin ay masarap rin ito sa pakiramdam at talaga namang nakaka-relax. Ngunit alam niyo ba na hindi maganda sa ating kalusugan ang ganitong kaugalian?

Ayon sa mga eksperto, maaring magdulot ng problema sa pandinig ang araw-araw na paggamit ng cotton buds sa ating mga tenga. Sa katunayan, isang netizen ang nagbahagi ng hindi kaaya-ayang karanasan nito dahil sa paggamit niya ng cotton buds.




“Nilagnat, sumakit yung ulo ko sobra at namaga yung right ear ko,” kwento ni Daeron Carlo Pabilona sa kaniyang mahabang Facebook post.

Nagsimula niyang maramdaman ang pananakit ng tenga matapos ang matagal na pagligo sa dagat at swimming pool nang magkaroon ng kasiyahan ang kanilang pamilya sa Batangas.


“I FELT A HEAVY PRESSURE COMING FROM MY RIGHT EAR. DI AKO MAKARINIG ALL OF A SUDDEN.”


Dahil sa takot na tuluyang mabingi ay minabuti niyang magpasuri sa ENT at doon niya napag-alaman na delikado na nga ang lagay ng kaniyang tenga. Nagkaroon na ito ng impeksyon at namamaga na rin ang kaniyang ear canal at ear drums.



“Sabi ni Doc, parang Coral Reef yung loob ng ear canal. Sa sobrang linis raw ng ears ko, napasok na lahat ng EAR WAX sa loob,” pagkukwento ng ni Carlo.


Ginawa nila ang lahat para mapabuti ang kaniyang pakiramdam at matapos ang isang linggong gamutan ay kinailangan niyang sumailalim sa tinatawag na ‘ear extraction’. Ito ang paraan kung saan pwersahang kukunin ang mga sumiksik na ‘ear wax’ sa pinaka-loob na bahagi ng tenga. Sa sobrang sakit ng proseso ay halos mahimatay na nga daw si Carlo ngunit pinilit niyang kayanin ito para na rin sa ikabubuti ng kaniyang kalagayan.


“SOBRANG SAKIT NIYA TO THE POINT NA PARANG MATATANGGAL NA YUNG SKIN SA LOOB NG EARS.”

Sa kabutihang-palad ay naibalik pa sa normal ang tenga ni Carlo at ngayon ay nakakarinig na siya ng maayos. Dahil nga dito ay nangako siya sa sarili na kailan man ay hindi na siya gagamit ng cotton buds sa paglilinis ng kaniyang tenga.

Samantala, para naman sa mga netizens na nagtatanong kung anong maaring gamitin sa halip na cotton buds ay narito ang kaniyang naging tugon:

"You can use a damp cloth to clean your outer ear. Mas advisable gamitin yung parang kutsara to get the earwax if gusto niyo tanggalin. Kasi the cotton buds pushes the earwax deeper, AKALA LANG NATIN LUMILINIS."

Comments

  1. Dba po Yong parang kutsara na panglinis sa tenga masakit yon kc nong first time Kung gumamit non parang masusugat ehh.....

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-...

7 Tips Na Dapat Tandaan Upang Hindi Mabilis Mapanis Ang Kanin Na Sinaing

Ang rice o kanin ang 'staple food' nating mga Pinoy. Sa tuwing tayo ay kakain ng agahan, tanghalian, at hapunan ay a na tayo ay nagkakanin.  Ngunit minsan, kung napapansin ninyo ay napapasobra ang inyong nasasaing kaya naman kung hindi ito agad nakakain ay nasisira at nasasayang na lang ito. Kaya narito ang ilang mga tips na dapat tandaan para hindi mabilis mapanis ang inyong kanin. 1. Tiyaking malinis ang kalderong pang-saing Bago magsaing ng kanin, siguraduhing dapat malinis ang kalderong pagsasaingan. Minsan, isa sa mga dahilan kung bakit madaling mapanis ang inyong kanin ay dahil hindi nalilinisang mabuti ang kaldero. Maaaring may mga natirang kanin o di kaya ay mayroong sabon na naiwan. Kaya naman kung nais talagang makatiyak na walang mikrobyong naiwan ay pakuluan ito bago gamitin. 2. Tubigan ng tama ang bigas Isa rin sa mga nakakaapekto sa madaling pagkapanis ng kanin ay ang tubig na inilalagay rito. Makakabuti na kapag luma na ang biga...

Ano Nga Ba Ang Dahilan Ng Sleep Paralysis? Narito Kung Paano Ito Maiiwasan!

ANO BA ANG SLEEP PARALYSIS? Ito ay hindi magandang pakiramdam na hindi mo gugustuhing maranasan. Kung nakaranas na kayo ng natutulog ngunit gising ang iyong utak o diwa, hindi makagalaw at makapagsalita at pakiramdam mo na may nakadagan sa iyo, tiyak kayo ay nakararanas ng sleep paralysis. Ito ay isang karanasan na hindi mo malilimutan dahil sa dinadala nitong pangamba. Ito ay may dalawang uri ang hypnagogic sleep paralysis at hypnopompic sleep paralysis. 1. Hypnagogic sleep paralysis ay ang nangyayari bago ka pa makatulog dahil binabaliktad nito ang normal na pagtulog ng isang tao at pinapanatili nitong gising ang utak at nag reresulta ito sa hindi makontrol na katawan o ito ang tinatawag na sleep paralysis. 2. Hypnopompic sleep paralysis naman ay nangyayari tuwing sa buong kalaliman ng pagtulog. Nararamdaman ang kondisyong ito na gising ang itong utak o diwa at alam mo ang nangyayari sa iyong kapaligiran. Ngunit hindi mo maigalaw ang iyong...