Skip to main content

Paano Mawala ang Sobrang Pagpapawis ng Kili-Kili





Madalas bang pinagpapawisan ang inyong kili-kili? Nababahala na ba kayo sa sobrang pagbasa ng iyong kili-kili at nawawalan ka na ng kumpyansa sa sarili? May mga taong pinagpapawisan nang sobra kahit hindi naman mainit dahil maari na rin sa isang kondisyon na "hyperhidrosis" kung saan nagpapawis ng sobra ang isang tao.

Maraming dahilan ang sobrang pagbabasa ng kili kili kaya naman inilista sa artikulong ito ang mga sanhi ng pagpapawis ng kili kili at kung paano mo ito maiiwasan.


Narito ang ilang dahilan ng pagpapawis ng inyong kili-kili:


* Stress at pagkabalisa 
* Kape, tsaa, at soft drinks ay isa rin sanhi dahil ito ang nag-aactivate sa nervous system para pagpawisan
* Ang regular na exercise ay maaari rin sanhi ng mabilis na pagbasa ng kili kili dahil sa regular na nareregulate ang temperatura ng katawan
* Hyperhidrosis o ang kondisyon na kung saan isang parte ng iyong katawan ay may sobrang pagpapawis na maaaring dulot ng thyroid problem, side effect ng gamot, o obesity



Paano Mawala ang Sobrang Pagpapawis ng Kili kili:



1. Gumamit ng anti perspirant

Isang simpleng solution ang paggamit ng anti perspirant na deodorant. Subukan ang iba't ibang anti perspirant para malaman kung ano ang epektibo sa iyong kili kili

2. Iwasan ang pagkain ng maanghang na pagkain

Ang pagkain ng maanghang o spicy food ay nakakatulong makapag-papawis ng ating katawan. Maaari mong iwasan ang mga maanghang na pagkain para makaiwas sa sobrang pagpapawis ng iyong katawan.


3. Magsuot ng maluwag na damit

Isang magandang solusyon ay ang pagsuot ng maluwag at cotton na damit upang mas maabsorb dito ang basa o pawis ng iyong kili kili

4. Gumamit ng Tawas

Isang epektibong paraan upang mawala ang pagbabasa at ang mabahong amoy ng kili kili ay ang paglagay ng tawas. Magpahid ng tawas powder o tawas crystal sa kili kili matapos maligo.

5. Magpahid ng Baking Soda

Ang paggamit ng baking soda ay nakakatulong upang mawala ang pagpapawis ng kili kili. Maghalo ng baking soda powder at konting tubing sa isang lagayan, haluin ito at ipahid sa iyong kili kili sa loob ng 20 minuto.




Comments

  1. Tawas po ginagamit ko.. Pero pag nagtutubo na buhok sa kili kili ko ngpapawis na ulit sya

    ReplyDelete
  2. Ako naman tawas ginagamit ko pero ganon parin

    ReplyDelete
  3. Ako po kahit gumagamit ako Ng tawas ay nagpapawis pa rin tas Hindi ko po gusto ung Amoy Niya kapag nagpapawis na ung kili kili ko

    ReplyDelete
  4. Dati,kahit anong gamit kong deodorant ay hindi nman magpapawis ang kilikili q.dahil iilan lang yong buhok ng kilikili q at binubunot kolng ng puller,,pero ngayon ngtaka aq kung bkit subrang pagpapawis na ng kilikili q, siguro dhil nagshashave na aq at dumadami na ang buhok sa kilikili q

    ReplyDelete
  5. Naglalagay po ako ng tawas..gnon prin

    ReplyDelete
  6. Nagamit ko na laat ng home remedy ganun pa din mas ki tawag deo doedorantas lalo Lang

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

7 Benepisyo Ng Pagkain Ng Langka Sa Ating Katawan!

Ang langka   ay isang prutas na kilalang-kilala sa Pilipinas dahil sa lasa at kakaibang amoy nito at karaniwang iniluluto na minatamis o ginataan. Ang prutas na ito ay mayaman s bitamina, mineral, at anti-oxidants na maganda para sa ating katawan.  Marami sa atin ang madalas magluto ng langka dahil sa matamis at masarap nitong lasa. Alam niyo ba na hindi lang ito masarap, ito rin ay isang halamang gamot na panlaban sa iba't ibang karamdaman at nakakapagbigay ng maraming health benefits. Narito ang mga importanteng benepisyo ng pagkain ng langka! 1. Nagbibigay proteksyon sa colon Dahil sa taglay nito anti-oxidant properties, kaya nitong bigyan ng proteksyon ang colon o bituka. Ito rin ay punong-puno ng fibers na kaya linisin ang iyong bituka upang ikaw ay makadumi ng maayos.  2. Proteksyon sa mata Ang langka ay mayroong bitamina A na isang nutrient na kailangan ng ating mata. Nakakatulong din itong iimprove ang iyong paningin ...

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-...

7 Nakakamanghang Benepisyo Ng Paglalagay Ng Yelo o Ice Cube Sa Mukha Para Pampaganda

Dala ng mainit na panahon at matinding sikat ng araw, hindi maikakaila na ang ating balat ay nagsisimulang maging mukhang stressed at dull. Dahil dito, ang pagpahid ng ice cube o yelo sa mukha ay nakaka-refresh sa pakiramdam.  Kapag araw-araw ay nakakaranas ng stress ang iyong mukha at balat, ang ice facial ay makakatulong sa iyo upang maibalik ang dating glow ng mukha. Narito at alamin ang benepisyong hatid nito kaya naman nagiging beauty trend ito. 1. Nakakapagpaliit ng pores Kapag mainit ang panahon, ang ating mga pores sa mukha ay naka-open. At kung palaging ganito ang sitwasyon, mas maraming dumi ang kumakapit sa ating mukha at maaaring siyang maging dahilan kung bakit tinutubuan ng tigyawat. Ang pagpahid ng ice cube sa iyong mukha matapos itong hugasan ay nakakatulong upang mapaliit ang iyong mga pores at maiwasan ang pag-accumulate ng dumi. 2. Ibinabalik ang glowing skin Lahat naman ay ninanais na magkaroon ng makinis at glowing skin. At an...