Skip to main content

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig.
Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga:

1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga
Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas.
2. Patakan ng langis o baby oil
Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga.
3. Patakan ng kaunting tubig
Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig.
4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga
Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas.

5. I-flash light
Gumamit ng flashlight. Ang liwanag ay makaka-attract sa insekto upang lumabas.

6. Bugahan ng usok
Ayon sa mga matatanda, ang pagbuga ng usok sa tenga ay magsisilbing pesticide sa langgam.

REMINDERS: Narito ang mga dapat tandaan kapag may pumasok ng langgam o insekto sa iyong tenga:

1. Huwag mag-panic at maging kalmado
Ang paggalaw pa o pagiging aktibo ay maaaring magtulak pa sa langgam papaloob na maaaring makasira ng eardrum.
2. Suriin ng mabuti ang tenga at i-locate ang langgam na pumasok
Ipasilip ang tenga kung mayroon ngang insekto na nakapasok
3. Huwag munang gumamit ng cotton buds
Huwag munang magpasok ng kung ano-ano sa tenga gaya ng mga daliri at cotton buds dahil maaari pa nitong matulak ang langgam papaloob. 

4. Tignang mabuti kung may senyales ng pagdudugo
Suriin kung may lumalabas ng dugo sa tenga dahil maaari itong senyales ng pagkasugat o impeksyon

5. Mas mapapabuti kung magpacheck-up sa doktor kung ikaw ay nakakaramdam ng sakit at para masuri na rin kung may infection 








Comments

  1. Hay may pumasok sa tunga ko di ko Alam Kung ano Ito ano dapat Kung gawin para lumabas,,😭😭😭😭

    ReplyDelete
    Replies
    1. May pumasok na langgam sa anak ko 4yrs old. Iyak ng iyak dahil masakit. Di ko napo alam gagawin pinatakan ko ng baby oil pero masakit parin daw po ano ba gagawin ko?

      Delete
    2. May pumasok na langgam sa tenga ng anak ko iyak ng iyak dahil masakit. Di ko na po alam gagawin pinatakan ko ng baby oil pero masakit parin daw po ano ba gagawin ko?

      Delete
    3. Nagkaroon ako nito eh tapos nawala tapos mga ilang taon bumalik rin tas lumalaki ba hays kinakabahan na ako bakit nangyayari sakin to naka irritate sha sa paglalakad ko kung may sumusunof sa likud ko ako ay nahihiya dahil sa bukol sa likud ng tenga ko at dinaman masakit irritable lng talaga

      Delete
  2. Replies
    1. We have to be careful of our children. Please take care of them well so nothing dangerous will happen

      Delete
  3. paano kung ipis nakapasok? paano gagawin?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dati may pumasok na ipis Sa Tenga ko maliit lng den bago ako mag padoctoktor umabot muna Ng isang linggo tapos pag natutulog ako bangin' ako Ng bangon Sa sakit

      Delete
    2. Ganun po nangyari sakin dati peru dko pinaabot ng bukas pumunta agad ako sa hospital pra matanggal yung ipis KASI sobrang sakit tlga d ako mapakali

      Delete
  4. I'm experiencing it right now. I tried using the oil. But still no further action

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello po na experience ko po sya right now at sobrang sakit po natanggal nyo na po ba ? May I know po Kung ano gnamot nyo? Pumasok po sya habang natutulog ako

      Delete
    2. hi po. kakatanggal lang po ng langgam ngayon sa tenga ko, sabog na ang luha ko at nagwawala nako sa higaan. 5mins. siguro bago ko naispian na takpan ang kabila kong tainga at itagilid ulo ko... maya maya lang e lumabas ang langgam. share ko lang po yung ginawa ko kanina baka sakaling makatulong po. thankyou and Godbless po 😊

      Delete
    3. actually sakin kasi kuto tapos sakit talaga sa tenga illang min lang natanggal ko agad masakit sya sobra ginawa ko lang nag tutuli ako tapos binasa ko yung bulak tas akyun kuha na agad easy hahaha

      Delete
  5. t͎h͎a͎n͎k͎s͎ f͎o͎r͎ .. t͎h͎i͎s͎ ..!!
    n͎a͎p͎a͎s͎u͎k͎a͎n͎ k͎a͎s͎i͎ n͎g͎ l͎a͎n͎g͎g͎a͎m͎ t͎e͎n͎g͎a͎ n͎g͎ a͎n͎a͎k͎ k͎o͎ , k͎a͎k͎a͎ 2y͎r͎s͎ o͎l͎d͎ l͎a͎n͎g͎ .. p͎i͎n͎a͎t͎a͎k͎a͎n͎ k͎o͎ n͎g͎ l͎a͎n͎g͎i͎s͎ .. n͎͎g͎a͎u͎n͎ n͎a͎k͎a͎t͎u͎l͎o͎g͎ n͎a͎s͎y͎a͎ u͎l͎i͎t͎ 👍

    ReplyDelete
  6. Replies
    1. Oo nga po paano pag alupihan

      Delete
    2. Nangyari din po sa akin ngayon. Nagpanic ako at gumamit ng cotton buds mali pala, mas pumasok yung insekto, nagpausok din po ako hindi parin. Masakit talaga at nakakairita. Buti nalang nasearch ko ito, effective po sakin ay yung ilaw. Tinapat ko flashlight ng phone ko sa tainga ko tas buti nalang naattract nga yung insekto at kusa na sya lumabas. Medyo malaki pala sya talaga. Kinulong ko din ng ilang minuto para patas kami hmp. Undecided pa kung palayain ko maya siguro pinaiyak nya ko eh. Sya naman makaexperience diba. Byiee sana effective din sainyo.

      Delete
    3. Ano pong insekto yung pumasok?

      Delete
    4. Gaano po katagal nyo tinapatan ng flashlight?

      Delete
    5. salamat dito,effective ung flash light,natutulog ako bglang parang may pumatak na tubig sa left ear ko,hnd na ko mapakali kase parang may naglalakad papasok sa loob.pinasilip ko sa anak ko wla daw,nagaalala talaga ako 3am iniisip ko baka langgam sobrang sakit,then naisip ko isearch,wla kaming baby oil,jase kakalipat lng namin at 2kids lng ang kasama ko,wla din cigarette pang pa usok.naisip ko ung ilaw effective wla pa atang 1 min.naramdaman ko palabas na sya ayun agad agad ko din syang pinatay parang bug ung itsura nya na kulay gray malaki pa sa langgam butibnalng hnd nangangagat..salamat share ko lng...

      Delete
    6. Tanong ko lang po safe po ba baby oil sa tenga may pumasok po kasi sa tenga ko dinaman na ngangagat kut kut lng ng kut sa loob na try ko napo flashlight ayaw lumabas yosi ayaw din gabi pato

      Delete
  7. mga anong oras kaya mawawala etong ensaekto sa tenga??

    ReplyDelete
  8. Nakagising ako
    ngayon parang may pumasok talaga sa tainga ko d ako.maka tulog panu natu pa help Naman po

    ReplyDelete
  9. Ako naman...dko Alam kung ano pumasok SA tenga ko pero Alam ko meron kasi paminsan minsan naririnig Kong mdyo may something SA tenga ko..nakakabahala na..sana umalis NATO.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hello po tanung ko lng po kung nawala napo yung naririnig nyo?same po kasi tayo,hindi namn masakit pero parang may kumukutkot sa loob ng tainga ko salamat po

      Delete
    2. Sken din po nung bata pa ako my pumasok insekto sa tenga ko. Hanggang ngaun sa tumanda na ko my maingay pa din sa loob tenga ko, pero nung nagpa check up ako wla nman mkita. Nkakairita po

      Delete
    3. Ano po gagawin ko may pumasok sa tenga ng anak ko na 4 years old nag flashlight na ako, naglagay ng oil at nagpausok parang lalo lang sya pumasok tapos sobrang sakit pag gumalaw sa.loob sigw na ng sigaw anak ko hindi ko alam gagawin ko tapos nakatulog sya kung namatay man po ang insecto sa loob paano kaya kung hindi na mailabas

      Delete
  10. Paano po kung may pumasok na langaw pano mo po malalaman may maririnig ka bang ingay? Hindi ko po talaga alam.

    ReplyDelete
  11. Eh pano po para ma reduce ang sakit habang lumalabas ito? Masakit parin po kase eh

    ReplyDelete
  12. ano po gagawin kapag dinapo gumagalaw tas masakit parin po?

    ReplyDelete
  13. Masakit poh ang loob ng tenga ko pa bugso,bugso poh ang pgsakit nya prang may tumutusok o kumakagat sa loob ng tenga ko.anu poh dpat kung gwen?

    ReplyDelete
  14. Ako po PARANG pumapasak na si pinaka loob.need kopo Ng help

    ReplyDelete
  15. Nararanasan ko sya ngayon diko Alam Kung may nakapasok ba. Sumasakit sya lagi parang tinutusok at nahihirapan din akong kumain dahil na rin sa sakit. Anong dapat na gamot para mawala itong pananakit?

    ReplyDelete
  16. May pumasuk sa tenga ko na insekto anu ba ang solution??

    ReplyDelete
  17. Paano po kung may pu. Pumasok na kanin sa baby ko ano pong pantanggal

    ReplyDelete
  18. My pumasok po sa tenga nang baby ko nang kanin.. Inaalala ko po ang kanin pag natuyo matigas bka maapektuhan ung ear drum pa help po plssssd

    ReplyDelete
  19. Hello po may pumasok po ngayong insekto sa tenga ko diko po alam Kung ana basta mag naririnig Lang ako na parang pumuputok sa loob ng tenga ko Di naman po masakit.ano po bang gagawin ko po?

    ReplyDelete
  20. Hello po.. in my case po kase dalawang beses po may pumasok sa Tenga ko .. and as usual ko po ginagawa ay lagyan agad ng tubig mas masakit po yung pangalawang pumasok na langgam kaya nilagyan ko ulit ng tubig tapos po ay ear cleaner po. Kinabukasan sumakit na po yung Tenga ko .. mag t two weeks na po kase e. Until now po kase masakit parin

    ReplyDelete
  21. 2x ko ng na experience my pumasok na insekto sa tenga ko, pinabugahan ko lng ng usok, nawala unti unti, nakakairita sya, masakit parang nangangagat pa, buti nman nawawala din, try nyo po

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

7 Benepisyo Ng Pagkain Ng Langka Sa Ating Katawan!

Ang langka   ay isang prutas na kilalang-kilala sa Pilipinas dahil sa lasa at kakaibang amoy nito at karaniwang iniluluto na minatamis o ginataan. Ang prutas na ito ay mayaman s bitamina, mineral, at anti-oxidants na maganda para sa ating katawan.  Marami sa atin ang madalas magluto ng langka dahil sa matamis at masarap nitong lasa. Alam niyo ba na hindi lang ito masarap, ito rin ay isang halamang gamot na panlaban sa iba't ibang karamdaman at nakakapagbigay ng maraming health benefits. Narito ang mga importanteng benepisyo ng pagkain ng langka! 1. Nagbibigay proteksyon sa colon Dahil sa taglay nito anti-oxidant properties, kaya nitong bigyan ng proteksyon ang colon o bituka. Ito rin ay punong-puno ng fibers na kaya linisin ang iyong bituka upang ikaw ay makadumi ng maayos.  2. Proteksyon sa mata Ang langka ay mayroong bitamina A na isang nutrient na kailangan ng ating mata. Nakakatulong din itong iimprove ang iyong paningin ...

7 Nakakamanghang Benepisyo Ng Paglalagay Ng Yelo o Ice Cube Sa Mukha Para Pampaganda

Dala ng mainit na panahon at matinding sikat ng araw, hindi maikakaila na ang ating balat ay nagsisimulang maging mukhang stressed at dull. Dahil dito, ang pagpahid ng ice cube o yelo sa mukha ay nakaka-refresh sa pakiramdam.  Kapag araw-araw ay nakakaranas ng stress ang iyong mukha at balat, ang ice facial ay makakatulong sa iyo upang maibalik ang dating glow ng mukha. Narito at alamin ang benepisyong hatid nito kaya naman nagiging beauty trend ito. 1. Nakakapagpaliit ng pores Kapag mainit ang panahon, ang ating mga pores sa mukha ay naka-open. At kung palaging ganito ang sitwasyon, mas maraming dumi ang kumakapit sa ating mukha at maaaring siyang maging dahilan kung bakit tinutubuan ng tigyawat. Ang pagpahid ng ice cube sa iyong mukha matapos itong hugasan ay nakakatulong upang mapaliit ang iyong mga pores at maiwasan ang pag-accumulate ng dumi. 2. Ibinabalik ang glowing skin Lahat naman ay ninanais na magkaroon ng makinis at glowing skin. At an...

5 Amazing Health Benefits ng Langka o Jackfruit na Dapat Ninyong Patuuan ng Pansin!

Ang langka ay isang prutas na may malaking puno, hugis bilugan na pahabang malaking bunga, na may tusok-tusok na kulay berdeng balat, kulay dilaw ang laman sa loob, may mabangong amoy at masarap na lasa. Maaari itong kainin at isama sa mga ibang lutuing pagkain. Hindi lamang ito masarap na kainin nagbibigay rin ito ng magandang benepisyo sa katawan at isa rin itong halamang gamot na makatutulong sa mga karamdaman o sakit. Ito ay punong puno ng nutrisyon at benepisyong taglay para sa malusog na kalusugan. Mula sa ugat, dagta, dahon at bunga nito ay nagbibigay ng benepisyo para sa ating katawan na makatutulong sa atin. Subalit pana-panahon lamang ang prutas na langka, kaya naman hanggat mayroon nito, dapat kayong bumili at kumain nito upang makuha ang magandang benefits ng langka. Narito ang mga benepisyong maaaring makuha mula sa langka: 1. Laban sa k^nser Ang langka ay may nilalaman na kayang labanan at pigilan ang k^nser cells sa ating katawan...