Ang singkamas o turnips ay isang bungang ugat na karaniwang tumutubo tuwing panahon ng tag-init. Saktong sakto dahil ang singkamas ay may kakayahan na mapunan ang nararamdamang pagka-uhaw ng isang tao dahil mataas ang water content nito.
Ang bilang ng kolesterol na makikita sa singkamas ay mababa lamang, kaya isa ito sa mga pagkaing mabisang pampapayat. Katulad ng ibang prutas o gulay, kilala ang singkamas sa angkin nitong mga “dietary fibers” kung saan kaya nitong pawiin ang gutom ng hindi nagiging mabigat sa tiyan.
Ang bilang ng kolesterol na makikita sa singkamas ay mababa lamang, kaya isa ito sa mga pagkaing mabisang pampapayat. Katulad ng ibang prutas o gulay, kilala ang singkamas sa angkin nitong mga “dietary fibers” kung saan kaya nitong pawiin ang gutom ng hindi nagiging mabigat sa tiyan.
Ang iba’t ibang parte ng singkamas ay maaaring kainin o ilaga at inumin. Tulad nalang ng ugat ng halaman na karaniwang nilalaga at pinapainom sa may sak!t. Ang malalambot na tangkay ng halaman naman ay maaaring dikdikin at ipantapal sa ilang kondisyon sa katawan.
Hindi lang nagtatapos sa mga simpleng benepisyo ang pagkain ng singkamas. Narito pa ang ilang tulong na maaaring maibigay ng singkamas sa ating katawan:
1. Pantanggal ng hika
Mabisang pang gamot ng hika o asthma ang pagkain ng singkamas dahil sa taglay nitong Vitamin C na isang mabisang anti-oxidant.
2. Pang alis ng mabahong amoy ng kili-kili
Ang hindi mabangong amoy ng katawan o kili-kili ay sadyang nakakahiya. Maaring gawing juice ang singkamas at inumin ang katas nito kapag ikaw ay may body odor. Pinaniniwalaan na ang pag inom nito ay nakakatulong sa pagtatanggal ng mabahong amoy sa katawan.
3. Panlaban sa oste0por0sis
Ang singkamas ay mabisang panlaban sa oste0porosis dahil sa taglay nitong calcium at minerals na kinakailangan upang tumibay ang ating buto.
4. Pang-bawas ng timbang
Mabisang pang-pabawas ng timbang ang pagkain ng singkamas dahil sa taglay nitong fibers at mababang antas ng kolesterol. Ang mataas na fiber ng singkamas ay mabisa para mapabilis ang pagtunaw ng kinakain natin. Mas magiging aktibo din ang ating katawan dahil nababawasan ang bigat na ating nararamdaman.
5. Pantanggal ng Bungang Araw
Makapagtatanggal ng bungang araw ang starch na maaaring makuha sa katas ng ugat ng singkamas. Ipapahid lang ang starch sa apektadong balat o sa balat na may bungang araw upang matanggal ang pangangati at pagbubutlig.


Comments
Post a Comment