Ang bawang ay isa sa mga sangkap na ginagamit ng mga tao kapag nagluluto. Mapa ulam man o kanin na sinangag, ito ay laging inilalagay dahil sa nakakadagdag ito ng amoy at sarap sa pagkain.
Ang buong ulo ng bawang ay tinatawag na “garlic bulb” at ang mga parte nito ay tinatawag namang “clove”. Kadalasan, mayroong 10-20 clove sa isang garlic bulb. Madalas ang pinaka benepisyo ng bawang sa kalusugan ng tao ay dahil sa “sulfur compounds” na nabubuo kapag ang bawang ay dinidikdik, nginu-nguya o hinahati hati. Ang sulfur compound na ito ay tinatawag na “allicin” na responsable sa kakaibang amoy ng bawang.
Mayroong iba’t ibang benepisyong pangkalusugan ang pag gamit ng bawang. Narito ang ilang halimbawa:
1. Gamot sa Ubo
Dahil ang bawang ay siksik sa sustansya tulad ng Vitamin C, Vitamin b6, Manganese, Fiber at Selenium, mabisa itong gamitin pampalakas ng ating resistensya. Mabisa din ang pag nguya ng hilaw na bawang upang lumuwag ang paghinga ng taong inuubo dahil nakakapag palambot ito ng plema. Pwede ding inumin ang pinag lagaan ng dahon at bungang ugat upang mapabilis ang pag galing ng ubo.
2. Pampagaling ng Tonsilitis o pamamaga ng lalamunan
Ang katas ng dinikdik na bawang ay mabisang pantanggal ng pamamaga ng lalamunan. Kapag nahihirapan lumunok dahil masak!t ang lalamunan, maaaring kumuha ng ilang pirasong clove o butil ng bawang at dikdikin upang lumabas ang katas at pagkatapos ay inumin ito.
3. Mabisang pang iwas ng sak!t sa puso at mataas na kolesterol
Ang bawang ay mabisang pampababa ng masasamang kolesterol na maaaring dumikit sa ating atay. Ang paginom, pagkain o pagnguya ng bawang ay sinasabing mabisang upang mapababa ang total kolesterol at masamang kolesterol na maaaring magdulot ng ibat ibang karamdaman sa puso.
4. Mabisang Anti-Oxidant upang makaiwas sa Alzhe!mer’s Dise@se at Dementia
Ang bawang ay siksik sa anti-oxidant na sumusuporta sa ating katawan upang labanan ang mga free radicals na maaaring dumagdag sa pagtanda ng isang tao. Ang madalas na pagkain ng bawang ay nakakataas sa anti-oxidants sa ating katawan na nakakapag pabawas ng oxidative stress sa mga may matataas na dugo at nakakatulong upang makaiwas ang tao sa alzhe!mer’s dis3ase at dementia.
5. Mabisang panlaban sa balakubak
Dahil sa sulfur compounds at allicin na taglay ng bawang, mabisa itong pantanggal ng balakubak. Maaaring ikuskos ang dinikdik na bawang sa apektadong balat upang direktang magamot ang balat na may sug@t.


Comments
Post a Comment