Ang heatstroke
ay isang kondisyon kung saan ang katawan ng isang tao ay masyadong nagiinit
bunga ng pagkakabilad ng mahabang oras sa arawan o sa lugar na may sobrang init
na temperatura. Ang heatstroke ay isa sa pinaka malalang karamdaman na maaaring
makuha kapag ang temperatura ng katawan ay tumaas ng 104 F o 40 degree
celsius. Ang kondisyong ito ay
kalimitang nangyayari tuwing panahon ng tag-init o summer.
Para mas maging alerto tayo kung ano ang mga sintomas ng heatstroke, narito ang ilang
halimbawa:
- Mataas na temperatura ng katawan
- Pagiging mainitin ng ulo at aligagang reaksyon ng katawan
- Namumulang balat dulo’t ng sobrang init
- Pakiramdam ng sobrang pagkahilo at pagsusuka
- Pagbilis ng paghinga at pagsisikip ng dibdib
- Sobrang tindi ng sak!t ng ulo
- Hindi normal na bilis ng tibok ng puso
- Pagpapawis ng sobra sobra.
Hindi maiiwasan
na tayo ay mabilad sa mainit na araw at maaaring tayo din ay makaranas ng ilan
sa mga nakalistang sintomas ng heatstroke.
Ngunit hangga’t maaari, kaya nating
maagapan ang mga sintomas na ito sa pagsunod sa mga sumusunod na paraan:
1. Magsuot
ng maluluwag, komportable at magagaang na damit. Sa paraang ito, mas
mapapabilis ng ating katawan na mapalamig ang temperatura tuwing ito ay tumataas.
Mas mabilis dadaloy ang hangin sa atin kapag ang suot natin ay magaan at
maluwag.
2. Uminom ng madaming tubig. Ang paginom ng maraming tubig ay
importante sa pagpapanatiling “hydrated” ng ating katawan lalo na kapag tayo ay
sobrang nagpapawis. Nakatutulong itong mapalitan ang mga tubig na nawawala sa
atin.
3. Iwasan ang sobrang pagbababad sa initan. Ang heatstroke ay sanhi ng
sobrang pagkakabilad sa init o araw kaya mabuting limitahan natin ito. Huwag
mag ehersisyo sa labas ng bahay kapag sobrang tirik ang araw o di kaya wag
kakalimutang magdala ng payong kapag lalabas, lalo na sa tanghaling tapat.
4. Magpahinga ng mabuti kapag nakakaranas ng ano mang sintomas na
nakalista sa itaas. Kung hindi maiiwasan na gumawa ng sobrang nakakapagod at mabigat
na trabaho sa mainit na panahon, siguraduhing ang katawan ay napapahinga pa
din. Uminom din ng maraming tubig para makaramdam ng kaginhawaan.
5. Huwag
magpapaiwan sa maiinit na lugar tulad nalang ng parking lot kapag nasa loob ng
sasakyan. Kung maaari, manatili sa malamig na lugar tulad ng loob ng bahay, mapunong lugar, o di
kaya sa mall.
6. Ipakonsulta agad sa espesyalista kung sobrang taas nang lagnat ng isang tao at nakakaranas pa ng pagsusuka dahil kung hindi naagapan ito ay magreresulta sa malalang dehydration.
6. Ipakonsulta agad sa espesyalista kung sobrang taas nang lagnat ng isang tao at nakakaranas pa ng pagsusuka dahil kung hindi naagapan ito ay magreresulta sa malalang dehydration.


Comments
Post a Comment