Skip to main content

6 Paraan Paano Napapabuti Ng KAPE Ang Kalusugan




Talaga namang karamihan ng tao buong mundo ay nakasanayan na nilang kasama sa kanilang morning routine ang pag-inom ng kape. Bukod sa mabisa itong pampagising, ang kape ay may napakaraming magandang benepisyo pa itong naidudulot sa ating kalusugan. 

Ang tamang dami ng pag-inom ng kape ay benepisyal sa katawan dahil nakakatulong din ito sa iba't ibang kondisyong medikal. Narito ang mga positibong epekto nito sa ating kalusugan.

1. Nakakapagpabuti ng utak at pag-iisip

Ang kape ay nakakapagpadami ng produksyon ng ilang neur0transmitters gaya ng dopamine, ang tinatawag na 'happines hormones' at ep!nephrine, o 'fight-or-flight hormone. Pinapataas din nito ang iyong mental alertness kaya naman mas epektibo itong iniinom bilang kickstarter sa umaga.

2. Binabawasan ang tiyansa mo sa depresyon

Ayon sa isang pag-aaral sa Harvard, ang mga babaeng umiinom ng kape ay may 20% decrease sa tiyansa nilang makaranas ng depresyon. Kaya naman karamihan sa mga tao ay tinatawag nila itong "morning cup of joy."

3. Nakakapag-iwas sa mga problema sa puso

Mayroong mga pag-aaral na ang pag-inom ng kape sa moderasyon ay nakakapagpabawas sa panganib ng mga sak!t sa puso gaya ng heart d*seases, str0ke, at irregular heart beat. Ngunit ang mga taong may mataas na presyon ay dapat mag-ingat sa pag-inom nito dahil nakakapagpataas ito ng bl0od pressure.



4. Pinoprotektahan ang ating atay

Ang kape ay nagtataglay ng isang ingredient na nakakapagprotekta sa ating atay laban sa liver c!rrhosis. Napatunayan na ang kape ay isang natural detox na panlaban sa pagkasira ng ating atay.

5. Nakakapagpataas ng energy level

Ang kape ay nakakatulong sa mga tao na pataasin ang kanilang energy levels upang hindi madaling mapagod. Dahil ito ay nagtataglay ng isang stimulant na kapag dumaloy sa dug0 ay makakarating sa utak. 

6. Nakakatulong sunugin ang taba sa katawan

Ang kape ay may substansyang nakakatulong sa fat burning process. Ayon sa mga pag-aaral, ang caffeine ay nakakapagpataas ng metabolic rate ng 3-11%.

Marahil na may napakarami pang benepisyong makukuha sa pag-inom ng kape at iilan lamang ang mga ito. Ngunit dapat tandaan na uminom lamang nito sa moderasyon dahil ang pag-inom ng sobra ay hindi maganda.











Comments

Popular posts from this blog

7 Nakakamanghang Benepisyo Ng Paglalagay Ng Yelo o Ice Cube Sa Mukha Para Pampaganda

Dala ng mainit na panahon at matinding sikat ng araw, hindi maikakaila na ang ating balat ay nagsisimulang maging mukhang stressed at dull. Dahil dito, ang pagpahid ng ice cube o yelo sa mukha ay nakaka-refresh sa pakiramdam.  Kapag araw-araw ay nakakaranas ng stress ang iyong mukha at balat, ang ice facial ay makakatulong sa iyo upang maibalik ang dating glow ng mukha. Narito at alamin ang benepisyong hatid nito kaya naman nagiging beauty trend ito. 1. Nakakapagpaliit ng pores Kapag mainit ang panahon, ang ating mga pores sa mukha ay naka-open. At kung palaging ganito ang sitwasyon, mas maraming dumi ang kumakapit sa ating mukha at maaaring siyang maging dahilan kung bakit tinutubuan ng tigyawat. Ang pagpahid ng ice cube sa iyong mukha matapos itong hugasan ay nakakatulong upang mapaliit ang iyong mga pores at maiwasan ang pag-accumulate ng dumi. 2. Ibinabalik ang glowing skin Lahat naman ay ninanais na magkaroon ng makinis at glowing skin. At an...

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na ...

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-...