Skip to main content

Pitong Posibleng Dahilan Kung Bakit Madalas At Mabilis Kang MaGUTOM Na Dulot Ng Isang Kondisyon

Ang enerhiya ng ating katawan ay nakadepende sa ating pagkain. Dahil ito ang nagbibigay ng lakas at sigla sa ating pangangatawan upang magampanan ang ating mga pang araw-araw na gawain. 

Normal lang na tayo ay magutom lalo na't kapag natapos ang ating gawain. Ngunit ang pagkagutom ng sobra-sobra at hindi na normal ay maaaring senyales na ito ng isang s^kit. Sa medical term, ito ay tinatawag na 'polyphagia,' o ang labis na pagkagutom na maaaring senyales ng isang nararanasang kondisyon.

Narito ang mga kondisyon na posibleng dahilan ng iyong labis na pagkagutom:

1. Diabetes

Ang madaling pagkagutom ay isa sa mga senyales ng isang taong may diabetes kasama na rito ang labis na pagkauhaw at palaging naiihi. Ang ating katawan ang nagco-convert ng sugar sa pagkain upang maging glucose na nagsisilbing 'fuel' ng katawan.

Ngunit kapag ikaw ay mayroong diabetes, ang glucose na ito ay hindi umaabot sa iyong mga cells. Sa halip ay inilalabas ito sa pag-ihi kaya ang iyong pagkagutom ay dumadalas. 

2. Low blo0d sugar

Ang kondisyong ito ay tinatawag na hypoglycemia, na kung saan ang sugar level ng iyong katawan ay bumabagsak. Karaniwang nararanasan ito ng mga diabetic ngunit pwede rin itong maranasan ng mga taong walang diabetes. Ang ilang sintomas nito ay pagpapawis, palpitations, pamumutla, pagkahilo, panginginig, at pagkabalisa.

3. Kakulangan sa tulog

Kapag ang iyong katawan ay hindi nagkakaroon ng sapat na tulog, naaapektuhan din ang iyong mga hormones na nagkokontrol ng iyong 'hunger' o pagkagutom. Ayon sa mga pag-aaral, ang mga taong walang sapat na tulog ay mas napapakain ng marami at mas madaling magutom sa buong mag-araw.

4. Overactive thyroid/ hyperthyroidism

Ang ating thyroid ang siyang nagpo-produce ng mga hormones na nagreregulate ng mga iba't ibang proseso ng katawan, kasama na rito ang metabolismo. Kapag ang iyong thyroid ay overactive, mararanasan mo ang labis na pagkagutom, pagka-uhaw, panghihina, pagpapawis, nerbyos, at pagbilis ng tibok ng puso.

5. Stress

Ang stress ay nakakapagpataas ng lebel ng hormone na cortisol na responsable sa ating pagkagutom. Ang isang taong nakakaranas ng stress ay mas napapakain ng mga matataba, matatamis, at unhealthy na pagkain. 

6. Pagbubuntis

Mas mabilis na gutumin ang isang babaeng nagdadalang-tao dahil sa sanggol na kanyang dinadala. Kinakailangan din ng sanggol sa kanyang sinapupunan ang nutrisyon para sa kanyang growth at development. At dahil narin ito sa pagbabago ng kanyang hormones sa katawan.

7. Maling diyeta

Hindi lahat ng pagkain ay pare-pareho na nakakapagpabusog ng matagal. Ang mga tinapay, ready-made meals, at mga fastfoods ay may mataas na fats at unhealthy carbs na nakakapagpabusog ng panandalian, ngunit makalipas ng ilang oras ay madaling kang gugutumin. Kaya piliin ang mga  pagkaing mataas sa protina gaya ng karne, isda, at dairy products o mga pagkaing mayaman sa fiber tulad ng prutas, gulay, beans at whole grains.

Comments

  1. sakin po anung ibig sabihin po nito?
    mabilis po akong magutum tapos maya maya po ako ihi po tapos parating nauuhaw?. tapos po mahapdi yung tyan ko matagal po to naramdaman ko po 19 years olf palang ako?.

    ReplyDelete
  2. Sakin po anu po to bakit po, lagi rin po kung nagugutom. Kahit kakain ko lang ng kain. Tapus mga kalahating oras guto, agad., tapus po, yung lalamunan, ko po, parang may, bakal., kasi lagi pong ang bigat

    ReplyDelete
    Replies
    1. sakin din ganyan nararamdaman ko parang may nakabara sa lalamunan ko

      Delete
  3. Sakin po lagi po akong gutom sa mga oras ng madaling araw 1am

    ReplyDelete
  4. Sakin po lagi akong gutom twing mag ka-quarter 4 o 4 am na talaga.

    ReplyDelete
  5. Lagi aq nanghihina mabigat Ang dibdib gutom pag 1am

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

7 Nakakamanghang Benepisyo Ng Paglalagay Ng Yelo o Ice Cube Sa Mukha Para Pampaganda

Dala ng mainit na panahon at matinding sikat ng araw, hindi maikakaila na ang ating balat ay nagsisimulang maging mukhang stressed at dull. Dahil dito, ang pagpahid ng ice cube o yelo sa mukha ay nakaka-refresh sa pakiramdam.  Kapag araw-araw ay nakakaranas ng stress ang iyong mukha at balat, ang ice facial ay makakatulong sa iyo upang maibalik ang dating glow ng mukha. Narito at alamin ang benepisyong hatid nito kaya naman nagiging beauty trend ito. 1. Nakakapagpaliit ng pores Kapag mainit ang panahon, ang ating mga pores sa mukha ay naka-open. At kung palaging ganito ang sitwasyon, mas maraming dumi ang kumakapit sa ating mukha at maaaring siyang maging dahilan kung bakit tinutubuan ng tigyawat. Ang pagpahid ng ice cube sa iyong mukha matapos itong hugasan ay nakakatulong upang mapaliit ang iyong mga pores at maiwasan ang pag-accumulate ng dumi. 2. Ibinabalik ang glowing skin Lahat naman ay ninanais na magkaroon ng makinis at glowing skin. At an...

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na ...

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-...