7 Senyales Na Ang Inyong Relasyon Ay Nakakasira Na Sa Iyong Pagkatao At Hindi Na Dapat Ipagpatuloy Pa!
Habang tayo ay nasa isang relasyon lalo na kung ito ay dumaan na sa napakaraming pagsubok, hindi na natin nakikita ang mga posibilidad na maaari pa itong masira ngunit ang katotohanan ay nariyan lang palagi ang mga sanhi o kadahilanan na maaaring makasira sa inyong relasyon. Habang kasa-kasama mo ang taong ito, ikaw ay nasasanay nang siya ay palaging nariyan lamang sa iyong tabi kaya ikaw ay nagiging kampante na sa kanya na hindi naman talaga dapat.
Gayunpaman, ikaw ay nauuwi sa lubos na pagkatali mula sa isang relasyon na parang nagiging napakadali na lamang ang makipagtalo sa iyong karelasyon na hindi naiisip kung ikaw ay nakakasak!t na ng sobra. Ang resulta, nagkakasawaan at hindi na saya ang dulot ng relasyon para sa magkabilang partido.
Mas makakabuti na suriin nang mabuti kung ang relasyon niyo ay nakakabuti o nakakapinsala na sa inyong pagkatao, kaya ito ang mga senyales na dapat niyo na tigilan ang inyong relasyon bago pa man kayo masira nang tuluyan:
1. Itinatago o sinasarili ang mga problema
Sa halip na pag-usapan niyong dalawa direkta ang problema, ang kanyang ginagawa ay hindi mabuti sapagkat ito ay kanyang sinasarili dahil ayaw nyang malaman mo kung ano ang problema. Iniiwasan niya ito kaya nagreresulta ito sa mas napakalalang problema.
2. Pagseselos at paninisi
Ang labis-labis na pagseselos at pag-aangkin sa iyo ng isang tao ay isang napakalaking problema para sa magkarelasyon. Kung hindi niyo pinagkakatiwalaan ang isa't isa, wala nang rason para ipagpatuloy pa ang inyong pagsasama.
3. Pamimintas at panlalait
Ang pagsasabi ng totoo tungkol sa iyong kapartner ay katanggap-tanggap upang mapabuti ang isang tao. Ngunit kung ang nangyayari ay pamumuna sa paraan na panlalait sa iyo ng iyong kapartner, ito ay hindi makakabuti para sa inyong dalawa. Ang pag-ibig ay hindi gumagana sa ganoong paraan, dahil kung mahal mo ang isang tao tatanggapin mo ang lahat ng kapintasan sa kanyang buong pagkatao.
4. Pag-aaway o pagtatalo na walang matinong pag-uusap na nangyayari
Ang pagtatalo ng magkarelasyon ay normal ngunit ang pagsisigawan sa isa't isa na hindi sinusubukan na pag-usapan o ayusin sa mahinahon na paraan ay siguradong inilalagay ang relasyon sa peligro.
5. Nagiging negatibo na ang kanyang pag-iisip
Kung ang relasyon ay punong puno na ng negatibong enerhiya, malaki ang posibilidad na ito ay mas maging mabigat at mapait na karanasan para sa magpartner. Hindi mo kailangang pilitin ang iyong sarili na manatili sa ganitong klaseng relasyon kung ikaw ay hindi na komportable sa isa't isa
.
.
6. Iniiwasan na ang isa't isa
Kung ang pagiging nariyan sa tabi ng iyong kapartner ay nagbibigay na sa iyo ng labis na pagkainis at pagkairita, mas makakabuti na wakasan na ang namamagitan sa inyong dalawa.
7. Pakiramdam na parang wala nang patutunguhan ang relasyon
Kung ang relasyon niyong dalawa ay hindi na nagbibigay ng kaligayahan at kasiyahan, wala ng rason para ituloy pa ito lalo na kung wala na sa inyong dalawa ang gumagawa ng paraan upang maayos ang inyong relasyon.



Hndi lahat Ng mga bagay bagay ay nakadepende sa kung anu ang nasa isipan, bagkus Ang lahat ay my kapaliwanagan, base sa mga inilahad Ng iyong sanaysay, ikaw ay nagbibigay Ng isang negatibong pag sang ayon para isang relasyon na sinusubok para sa ikaka-unlad? Kung susunod Ang lahat sa inilahad mo, maaaring Ang lahat Ng sumunod ay magiging negatibo pag dating sa pagrerelasyon, para munang sinabi na pag binigyan Ng pagsubok Ang isang relasyon ay hndi na dapat pang ipagpatuloy. . ,
ReplyDelete