Napakarami sa atin na hindi masimulan ang umaga ng hindi man lang nakakatikim ng isang mainit na tasang inumin tulad ng kape, tsaa, gatas at iba pang mga inumin. Ngunit napagalaman ng mga mananaliksik na ang mga taong madalas uminom ng sobrang init na inumin ay may mataas na tiyansang magkaroon ng kondisyon sa lalamunan.
Batay na rin sa nadiskubre ng mga eksperto ang pagkonsumo ng pitong daang ml bawat araw sa kape o katumbas ng tatlong tasa na may taas sa temperatura na animnapu ay lumalabas na 90 percent ang tiyansang magkaroon ng esophageal Canc3r kumpara sa mga taong nakapagkokonsumo ng tamang taas ng temperatura at mas mababa pa rito.
Kaya naman ang pag-inom ng sobrang init na kape, tsaa o ano pa mang uri ng inumin ay napakadelikado sa ating kalusugan.
Ayon na rin kay Dr. Farhad Islami ng American Canc*r Society ay inaabisuhan nito ang maraming tao na hintaying bumaba ang temperatura ng isang sobrang init na klase ng inumin bago ito simulang ikonsumo.
Idagdag pa ang mga pagsasaliksik sa bansang Iran na sa loob lamang ng sampung taon ay nadagdagang muli ng tatlong daan at labing pitong mga taong nagkaroon ng sak!t na esophageal canc3r nasa pagitan ito ng mga taong nasa edad na kuwarenta hanggang pitungpu't lima.
Habang sa United States naman ay sinasabi ng American Canc3r Society na nasa bilang na 13,750 ang bagong kasong nasuring lalaki na mayroong sak!t na esophageal canc3r. Samantalang sa kababaihan naman ay may bilang na bagong kaso na 3,900.
Kabilang sa walong karaniwang uri ng canc3r sa buong mundo ang esophageal na kung saan sa bawat taon may bilang na apat na daang libo ang sumasakabilang buhay.
Ang uri ng sak!t na ito ay pinagmumulan ng paulit-ulit na pinsala sa lalamunan na kung saan nakukuha sa paninigar!ly0, inuming de alcohol, acid reflux at ang mga sobrang init na inumin.
Ang sobrang init na temperatura nito ang dahilan at hindi ang mismong uri ng iniinom. Kaya naman sa susunod na uminom ka ng isang mainit na tasang kape o tsaa ay kinakailangan mo munang maghintay na bumaba ang temperatura nito upang mapangalagaan ang kalusugan ng inyong lalamunan ng hindi magdulot ng isang malalang karamdaman.
Comments
Post a Comment