Skip to main content

Huwag Itapon ang mga Buto ng Papaya Dahil Ito ang Benepisyo na Dulot Nito Kapag Ito ay Kinonsumo




Ang bunga ng papaya ay isa sa mga pagkain na tinaguriang “superfood” dahil nagtataglay ito ng maraming bitamina at sustansya na mainam para sa kalusugan ng ating katawan. Mayaman ito sa anti-oxidants at nagtataglay ng carotenes, vitamin B at C, flavonoids, calcium, fiber at magnesium. Karaniwan ay ang laman ng bunga lamang ang nakukunsumo natin at ang mga buto, kung hindi itatanim, ay itinatapon lang sa basurahan. Ngunit mayroon pala tayong pwedeng makuha mula sa mga ito kaya hindi ito dapat itinatapon, narito ang ilan sa mga dahilan:

  1. Pangontra sa bacteria at virus
  • Ito ay may anti-bacterial na epekto sa katawan kaya maigi ito lalo na sa sikmura. Ang kakaunting dinurog na buto ng papaya ay sapat na upang mapigilan ang pagdami ng bacteria sa tiyan at maiwasan ang impeksyon na maaaring idulot ng mga ito. Ang pagkunsumo rito tatlong beses sa isang araw ay makakatulong panlaban sa E.coli, Salmonella, Staphylococcus at iba pa.
  1. Pampatibay ng mga buto


  • Mayaman ito sa calcium at protina kaya naman maigi ito upang mapanatiling matibay ang mga buto, ngipin at muscles natin sa katawan.
  1. Pangontra sa K(a)nser
  • Mayaman ito sa anti-oxidants na siyang lumalaban sa mga tinatawag na free radicals, na kalaunan ay pwedeng magsanhi ng k(a)nser, kaya maganda ito para maiwasan ang pagkakaroon ng matinding karamdaman na ito.
  1. Proteksyon sa kidneys
  • Ang mga buto ng papaya ay may katangian na nag-aalis ng mga lason sa sistema ng ating katawan, kaya maganda ito para sa kidneys dahil mapapanatili ang kalusugan nito.


  1. Panlunas sa liver cirrhosis
  • May mga pag-aaral na nagsasabing ang pagkunsumo ng pinulbong buto ng papaya ay makakatulong upang magamot ang liver cirrhosis pati na ang pag-alis sa mga toxins natin sa buong katawan. 
  • Maghalo lamang ng ¼ kutsarita ng powdered na buto ng papaya sa isang baso ng tubig at lagyan ng isang kutsarang katas ng lemon o lime. Inumin ito dalawang beses sa isang araw at kung walang makita na powdered nito ay pwedeng magdikdik ng sariwang buto ng papaya upang magamit.
  1. Pangontra sa dysmenorrhea

  • Pwedeng gamitin ang mga buto ng papaya pati na ang mga dahon nito para mabawasan ang sakit na dala ng buwanang dalaw. Maaari itong gawing tsa-a at lagyan ng honey pagkatapos ay palamigin saka inumin. 

Paano kainin ang Papaya Seeds?

1. Kumuha ng isang kutsaritang papaya seeds at pwede mo itong ikonsumo at kainin ng diretso. Tandaan lamang na kailangan itong nguyain ng mabuti dahil maaaring bumara ito sa inyong sistema.

2. Maaari mo itong ilagay sa oven, pagkatapos ay antayin itong mag-dry ng ilang araw at saka mo ito dikdikin ng pinong pino at maaari mo itong ihalo sa iyong lutuin.

3. Maaari mo rin ihalo ang dalawang kutsaritang papaya seeds sa iyong Papaya shake. Tandaan lamang na maaaring maging mapait ang lasa ng shake kaya mainam na dagdagan ito ng pampatamis.

Comments

Popular posts from this blog

7 Nakakamanghang Benepisyo Ng Paglalagay Ng Yelo o Ice Cube Sa Mukha Para Pampaganda

Dala ng mainit na panahon at matinding sikat ng araw, hindi maikakaila na ang ating balat ay nagsisimulang maging mukhang stressed at dull. Dahil dito, ang pagpahid ng ice cube o yelo sa mukha ay nakaka-refresh sa pakiramdam.  Kapag araw-araw ay nakakaranas ng stress ang iyong mukha at balat, ang ice facial ay makakatulong sa iyo upang maibalik ang dating glow ng mukha. Narito at alamin ang benepisyong hatid nito kaya naman nagiging beauty trend ito. 1. Nakakapagpaliit ng pores Kapag mainit ang panahon, ang ating mga pores sa mukha ay naka-open. At kung palaging ganito ang sitwasyon, mas maraming dumi ang kumakapit sa ating mukha at maaaring siyang maging dahilan kung bakit tinutubuan ng tigyawat. Ang pagpahid ng ice cube sa iyong mukha matapos itong hugasan ay nakakatulong upang mapaliit ang iyong mga pores at maiwasan ang pag-accumulate ng dumi. 2. Ibinabalik ang glowing skin Lahat naman ay ninanais na magkaroon ng makinis at glowing skin. At an...

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na ...

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-...