Papaya, isa sa mga karaniwang puno na makikita natin sa ating mga bakuran. Madali lamang itong tumubo kung kaya'y marami ang mga punong ganito. Kilala ang papaya tree dahil sa bunga nito, kahit kasi na hilaw o hinog na ang bunga ng papaya ay maaari mo itong kainin. Kapag hilaw ang bunga ay maaaring isama sa tinola pamalit sa sayote, at kapag hinog naman ang bunga ay masarap itong gawing snack o dessert dahil sa matamis nitong lasa. Ngunit bukod sa bunga ng papaya, alam niyo ba na dahon mismo ng puno nito ay marami rin palang health benefits na naidudulot sa ating katawan? Narito at alamin ninyo. 1. Pangontra sa balakubak at pagkalagas ng buhok Ang dahon ng papaya kapag dinikdik ay maaaring iapply sa iyong anit. Sa paraang ito, natatanggal ang sobrang langis at dumi sa iyong anit at roots ng buhok. Nakakatulong ito para mabalik ang nutrisyon sa anit at pang-moisturize rin ito para maiwasan ang pagkakaroon ng balakubak. 2. Pampa-glow ng balat Dah...
Giving you the juiciest updates available anytime, anywhere.