Papaya, isa sa mga karaniwang puno na makikita natin sa ating mga bakuran. Madali lamang itong tumubo kung kaya'y marami ang mga punong ganito. Kilala ang papaya tree dahil sa bunga nito, kahit kasi na hilaw o hinog na ang bunga ng papaya ay maaari mo itong kainin.
Kapag hilaw ang bunga ay maaaring isama sa tinola pamalit sa sayote, at kapag hinog naman ang bunga ay masarap itong gawing snack o dessert dahil sa matamis nitong lasa. Ngunit bukod sa bunga ng papaya, alam niyo ba na dahon mismo ng puno nito ay marami rin palang health benefits na naidudulot sa ating katawan?
Narito at alamin ninyo.
1. Pangontra sa balakubak at pagkalagas ng buhok
Ang dahon ng papaya kapag dinikdik ay maaaring iapply sa iyong anit. Sa paraang ito, natatanggal ang sobrang langis at dumi sa iyong anit at roots ng buhok. Nakakatulong ito para mabalik ang nutrisyon sa anit at pang-moisturize rin ito para maiwasan ang pagkakaroon ng balakubak.
2. Pampa-glow ng balat
Dahil nagtataglay ng mataas na lebel ng antioxidants ang papaya leaves, marami itong benepisyo sa ating balat. Ang mga antioxidants nito kasama ang bitamina C at A ay nakakatulong upang matanggal ang mga free radicals sa ating dugo at maimprove ang sirkulasyon ng dugo sa balat.
Sa pag-inom ng papaya leaf juice, ang ating balat ay makakaiwas sa pre-mature aging, tigyawat at baradong pores na makakapagbigay sa atin ng glowing skin.
3. Panlunas sa eczema
Ang eczema ay isang skin condition na nagdudulot ng panunuyo at pangangati sa balat. Kung di naagapan ay maaaring magdulot ito ng pagsusugat ng balat. Buti na lamang at mayroong medisinal na benepisyo ang dahon ng papaya panlaban dito. Ang enzyme na papain na matatagpuan sa papaya ay nakakatulong upang maexfoliate ang balat.
Iapply ang dinikdik na dahon ng papaya sa epektadong parte ng balat na may eczema upang makatulong para matanggal ang pangangati at pamumula.
4. Skin moisturizer
Kung dry skin ang iyong problema, wag nang mag-alala dahil maaaring gumawa ng organic facial mask gamit lamang ang dahon ng papaya. Dahil sa enzymes at antioxidants na taglay nito, nakakatulong ito para maiwasan ang pagkakaroon ng dry at flaky skin.
Dikdikin at kuhanin ang katas ng dahon ng papaya. Iapply ito sa iyong mukha para lumambot ang balat.
5. Nakakatulong sa maayos na digestion
Para sa mga taong nakakaranas ng konstipasyon, mainam na kumain ng bunga ng papaya dahil mayaman ito sa fiber. Ngunit ang fresh papaya leaves rin ay nakakatulong rin sa maaayos na digestion lalo na kapag ginawang juice ito. Makokontrol ang mga isyu tulad ng bloating, heartburn, at konstipasyon.
6. Nakakatulong sa taong may dengue
Isa sa mga mapanganib na sak!t ang dengue dahil sa pagbaba ng bilang ng platelet ng taong natamaan nito. Bukod sa mga medicinal treatment, ang pag-inom ng dahon ng papaya ay nakakatulong rin para mapataas ang platelet level ng taong may dengue.
7. Pinapababa ang bl0od sugar level
Mainam rin sa mga taong may dyabetis ang papaya leaf juice, nireregulate kasi nito ang produksyon ng insulin na siyang nakakapagkontrol ng sugar level sa dugo. Ang mataas na lebel ng antioxidants na taglay ng dahon ng papaya ay nakakatulong upang maiwasan ang mga komplikasyon na dulot ng dyabetis tulad ng kidney damage at fatty liver.
Disclaimer:
Ang mga naitalang paksa, larawan, at impormasyon sa site ng PH Daily Updates ay layuning makapagbigay lamang ng impormasyon. Ang nilalaman ng artikulong ito ay hindi intensyong gawing pamalit ito sa propesyunal na medikal na payo. Mas makakabuti pa ring magpasuri sa isang propesyunal na doktor o qualified health provider.
legit po ito pampakinis ng balat:)
ReplyDelete