Kailan ba Dapat Palitan ang Gatas ni Baby? Ito ang Limang Senyales na Kinakailangan mo ng Palitan ang Formula Milk ng Iyong Anak
Napakalaki ng importansya gatas ng isang ina sa mga sanggol dahil ito ang siyang bukod tanging naglalaman ng napakaraming nutrisyon para sa isang baby. Subalit iba iba ang mga sanggol at hindi sa lahat ng pagkakataon ay mapapanatili ng isang ina ang pagbibigay ng gatas sa kaniyang anak. Kaya naman malaking bagay na rin ang pagpili ng formula milk na siyang papalita sa breastfeed ng isang ina.
Subalit alam niyo ba na hindi lahat ng formula milk ay pwede sa bata? May ilang mga senyales na ang dating iyong ginagamit na formula milk ay hindi na maganda para sa kalusugan ng bata. Narito ang mga senyales na kinakailangan mo ng palitan ang brand ng formula milk ng iyong anak.
1. Colicky
Ang colicky ay kahalintulad ng 'kabag' kung saan ito ay isang hangin sa tiyan at kung saan nauuwi sa discomfort ang tiyan ng bata na para bang hindi ito natuwan at puno ng hangin ang kaniyang tiyan.
2. Pagiging
Isang senyales na kailangan mo ng palitan ang gatas ng bata kung madalas mo napapansin na hindi na mapakali at iyak ng iyak ang sanggol. Maaari rin na ayaw nitong magpakarga o di kaya naman ayaw magpababa sa kaniyang higaan. Posibleng hindi ito komportable sa kaniyang nainom na gatas.
3. Hindi
Kung madalas mo napapansin na kahit konting galaw mo lamang sa iyong sanggol ay agad nanaman itong magigising at muling iiyak, maaaring hindi na hiyang ng bata ang kaniyang formula milk. Ang gatas ng isang bata ay siyang nagsisilbing pagkain at comfort ng bata dahil ito lamang ang kanilang alam na gawin, kaya kung mdalas tila ba parang balisa ang bata pagkatapos uminom ng gatas ay posibleng hindi niya gusto ang lasa ng gatas na ito.
4. Rashes
5. Matigas ang kaniyang dumi
Ang kakulangan ng pagkonsumo sa tubig ay nagreresulta ng pagkakaroon ng matigas na dumi. Ngunit para sa mga bata ay hindi lamang ito ang dahilan. Maaaring ang matigas na dumi ay dulot sa kaniyang gatas na kasalukuyang iniinom.
Tips: Ayon sa pedia hindi nila nirerekomenda na painumin ng tubig ang mga sanggol na nasa taong anim na buwan pababa. Dahil ang gatas ay may walong porsyento na ng tubig at kapag nagbigay pa ng tubig sa maliit na tiyan ni baby ay maaaring hindi na ma-absorb ng bata ang nutrients ng gatas na kaniyang iniinom. Kaya mas mainam na sa loob na anim na buwan ay gatas lamang ang ibigay kay baby. Habang sa mga susunod na buwan kapag nakakain na ng ibang pagkain si baby maaari na itong painumin ng tubig. Ngunit ang pinakaimportante sa lahat ay ang gatas mula sa ina kumpara sa iba't ibang formula milk.
Comments
Post a Comment