Photo Credit: Raniel Miranda/ Facebook Di talaga maikakaila na sa panahon ngayon ay nagkalat na talaga ang mga taong manloloko. Isang patunay na rito ang mga kaawa-awang riders/ delivery man na nakakatanggap ng mga fake bookings o nagiging bik tima ng mga pranks. Subalit ibahin natin ang kwento ng isang rider na ito na nakatanggap ng pekeng booking sa isang customer na sa bandang huli ay isa palang blessing para sa kanya. Ang rider na si Raniel Miranda ay nakatanggap ng booking mula sa isang netizen na nagngangalang Evelyn Gutierrez Cabuhat. Ang delivery address raw nito ay sa Golden City sa Imus to Malagasang area. Kabilang sa mga pinamili ay mga sangkap para sa pagluluto ng spaghetti at iba pang groceries. Photo Credit: Raniel Miranda/ Facebook Kwento ng rider na pagdating niya sa pick up point ay laking gulat niya nang sabihin sa kanya ng kanyang customer na, "Ideliver mo yan sa inyo, sayo yan." Laking pasasalamat ni Miranda sa biyayang kanyang natanggap dahil ito...
Giving you the juiciest updates available anytime, anywhere.