Skip to main content

Fake Booking Na Naging Blessing, Natanggap Ng Isang Rider

Photo Credit: Raniel Miranda/ Facebook

Di talaga maikakaila na sa panahon ngayon ay nagkalat na talaga ang mga taong manloloko. Isang patunay na rito ang mga kaawa-awang riders/ delivery man na nakakatanggap ng mga fake bookings o nagiging biktima ng mga pranks.

Subalit ibahin natin ang kwento ng isang rider na ito na nakatanggap ng pekeng booking sa isang customer na sa bandang huli ay isa palang blessing para sa kanya.

Ang rider na si Raniel Miranda ay nakatanggap ng booking mula sa isang netizen na nagngangalang Evelyn Gutierrez Cabuhat. Ang delivery address raw nito ay sa Golden City sa Imus to Malagasang area. Kabilang sa mga pinamili ay mga sangkap para sa pagluluto ng spaghetti at iba pang groceries.


Photo Credit: Raniel Miranda/ Facebook



Kwento ng rider na pagdating niya sa pick up point ay laking gulat niya nang sabihin sa kanya ng kanyang customer na, "Ideliver mo yan sa inyo, sayo yan."

Laking pasasalamat ni Miranda sa biyayang kanyang natanggap dahil ito ang ginamit nila ng kanyang pamilya na panghanda noong noche buena. Dagdag pa  niya, nakakataba raw ng puso ang ginawa ni Cabuhat.

Sa dami ba naman ng mga fake bookings na napapabalita sa social media, ang kwento ni Miranda ay tunay na nakakaantig ng puso at nawa'y maging magandang ehemplo pa sana ito sa mga ibang tao na nanloloko ng mga riders.

Maraming netizens rin ang na-inspire sa kabutihang loob na ipinakita ni Cabuhat at nagbigay ang ilang ng kani-kanilang mga komento ukol dito.


Photo Credit: Raniel Miranda/ Facebook



"May mga tao din pala may malaking puso at alam niya mahirap maging delivery rider...saludo ako sa iyo ma'am.."- Phin Arevalo

"Sana lahat ng may pa booking sa rider ganyan, with a golden heart"- Mercy Villafuerte

"Sana mas dumami pa katulad nito. At tumigil na pag laganap ng mga prankster na wala namang kalatoy latoy mga pinag gagawa perwisyo lang."- Len N Tim

"Salamat po sa ibang customer ng mga riders na naaapreciate nila ang mga kagaya nyang delivery rider. God bless po sa inyo"- Jean Lynd

"Salute sayo madam, ang pagbibigay ng biyaya kusa binibigay yan kaya marami pa pong blessings ang darating sa buhay niyo"- Jhona Anoj

Comments

Popular posts from this blog

7 Benepisyo Ng Pagkain Ng Langka Sa Ating Katawan!

Ang langka   ay isang prutas na kilalang-kilala sa Pilipinas dahil sa lasa at kakaibang amoy nito at karaniwang iniluluto na minatamis o ginataan. Ang prutas na ito ay mayaman s bitamina, mineral, at anti-oxidants na maganda para sa ating katawan.  Marami sa atin ang madalas magluto ng langka dahil sa matamis at masarap nitong lasa. Alam niyo ba na hindi lang ito masarap, ito rin ay isang halamang gamot na panlaban sa iba't ibang karamdaman at nakakapagbigay ng maraming health benefits. Narito ang mga importanteng benepisyo ng pagkain ng langka! 1. Nagbibigay proteksyon sa colon Dahil sa taglay nito anti-oxidant properties, kaya nitong bigyan ng proteksyon ang colon o bituka. Ito rin ay punong-puno ng fibers na kaya linisin ang iyong bituka upang ikaw ay makadumi ng maayos.  2. Proteksyon sa mata Ang langka ay mayroong bitamina A na isang nutrient na kailangan ng ating mata. Nakakatulong din itong iimprove ang iyong paningin ...

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-...

7 Nakakamanghang Benepisyo Ng Paglalagay Ng Yelo o Ice Cube Sa Mukha Para Pampaganda

Dala ng mainit na panahon at matinding sikat ng araw, hindi maikakaila na ang ating balat ay nagsisimulang maging mukhang stressed at dull. Dahil dito, ang pagpahid ng ice cube o yelo sa mukha ay nakaka-refresh sa pakiramdam.  Kapag araw-araw ay nakakaranas ng stress ang iyong mukha at balat, ang ice facial ay makakatulong sa iyo upang maibalik ang dating glow ng mukha. Narito at alamin ang benepisyong hatid nito kaya naman nagiging beauty trend ito. 1. Nakakapagpaliit ng pores Kapag mainit ang panahon, ang ating mga pores sa mukha ay naka-open. At kung palaging ganito ang sitwasyon, mas maraming dumi ang kumakapit sa ating mukha at maaaring siyang maging dahilan kung bakit tinutubuan ng tigyawat. Ang pagpahid ng ice cube sa iyong mukha matapos itong hugasan ay nakakatulong upang mapaliit ang iyong mga pores at maiwasan ang pag-accumulate ng dumi. 2. Ibinabalik ang glowing skin Lahat naman ay ninanais na magkaroon ng makinis at glowing skin. At an...