Karapat-dapat lamang na bigyan ng pansin ang pag-alaga sa ating balat dahil sa araw-araw na nasasagap nitong polusyon at stress. Bukod pa ang pagaalaga sa ating kutis ay naghahatid ng karagdagang kagandahan sa ating pisikal na hitsura ang pag-alaga ng ating skin.
Ang paggamit ng mabisang homemade natural cream na gawa sa Apple ay makakatulong sa ating balat para maging makinis.
Paano nga ba ito gawin?
Mga sangkap na kakailanganin:
-Isang piraso ng mansanas
-Olive oil
-Rosewater or Aloe Vera Gel
Paraan sa paggawa ng apple night cream:
1. Hugasan ang biniling mansanas bago hatiin sa dalawa. Tanggalin ang mga buto nito at hiwaiin ng malilit na piraso.
2.Gamit ang inyong blender, iblend ang mansanas at isang tasa ng olive oil sa loob ng lima hanggang sampung minuto upang maging malambot at sisik ang kayarian nito.
3. Matapos ang nasabing oras, ihanda ang inyong kaserola. Ilagay ang naiblend na sangkap at painitin ng isa hanggang dalawang minuto.
4. Kapag lumamiglamig na ang pinaghalong sangkap maaari ng ilagay ang kalahating tasang rosewater o Aloe Vera Gel.
Paano ito ilagay sa inyong mukha?
1. Hugasan muna ang iyong mukha at leeg at siguraduhin na tanggalin ang inyong make up.
2. Matapos punasan ang inyong mukha ay iapply ng dahan-dahan ang natural homemade cream sa inyong mukha.
3. Hayaan na nakalagay ito sa inyong mukha ng 15-30 minutes.
4. Hugasan ang mukha ng malamig na tubig pagkatapos.
Bukod sa nabanggit na mga sangkap maaari rin na idagdag ang honey o di kaya vitamin E oil sa inyong night cream para sa mas makinis na kutis.
Kung may natira sa iyong ginawang apple cream maaari itong ilagay sa inyong refrigerator ng apat hanggang anim na araw upang magamit muli para na rin sa mas ikakaganda pa ng resulta.
Ano ang benepisyo ng Apple sa kalusugan?
Bukod sa magagamit ang mansanas bilang pampaganda sa ating kutis may kakayahan rin ito na labanan ang ilang karamdaman.
Sa pamamagitan ng pagkain o di kaya gamitin bilang inumin. Ang mga benepisyong hatid nito ay nakatutulong sa mga taong may diabetes, mataas na presyon sa dugo, pagpapayat, para sa puso at buto. Ilan lamang sa mga nabanggit ang benepisyal na hatid ng mansanas. Kaya nakabubuti kung kumain ng mansanas araw-araw para maiwasan ang panganib sa mga karamdaman.
Disclaimer:
Ang mga naitalang paksa, larawan, at impormasyon sa site ng PH Daily Updates ay layuning makapagbigay lamang ng impormasyon. Ang nilalaman ng artikulong ito ay hindi intensyong gawing pamalit ito sa propesyunal na medikal na payo. Mas makakabuti pa ring magpasuri sa isang propesyunal na doktor o qualified health provider.
Comments
Post a Comment