Skip to main content

Posts

Showing posts with the label People & Society

Fake Booking Na Naging Blessing, Natanggap Ng Isang Rider

Photo Credit: Raniel Miranda/ Facebook Di talaga maikakaila na sa panahon ngayon ay nagkalat na talaga ang mga taong manloloko. Isang patunay na rito ang mga kaawa-awang riders/ delivery man na nakakatanggap ng mga fake bookings o nagiging bik tima  ng mga pranks. Subalit ibahin natin ang kwento ng isang rider na ito na nakatanggap ng pekeng booking sa isang customer na sa bandang huli ay isa palang blessing para sa kanya. Ang rider na si Raniel Miranda ay nakatanggap ng booking mula sa isang netizen na nagngangalang Evelyn Gutierrez Cabuhat. Ang delivery address raw nito ay sa Golden City sa Imus to Malagasang area. Kabilang sa mga pinamili ay mga sangkap para sa pagluluto ng spaghetti at iba pang groceries. Photo Credit: Raniel Miranda/ Facebook Kwento ng rider na pagdating niya sa pick up point ay laking gulat niya nang sabihin sa kanya ng kanyang customer na, "Ideliver mo yan sa inyo, sayo yan." Laking pasasalamat ni Miranda sa biyayang kanyang natanggap dahil ito...

Marami ang Humanga sa Lalaking Ito sa Pagtulong na Makatawid ang mga Bata Habang Nakasupot ng Plastic Bag Papunta sa Eskwelahan!

Edukasyon ang isa sa mga kayamanang sinasabi ng ilang magulang na siyang tangi nilang pwedeng ipamana sa kanilang mga anak kaya naman kahit mahirap ang buhay at malayo ang paaralan sa kani-kanilang mga bahay ay hindi ito nagiging hadlang para makapasok ang kanilang mga anak.  Sa katunayan, ang ilan pa nga sa kanila ay kinakailangang maglakad ng malayo o di kaya naman ay tumawid ng bundok at ilog para lang marating ang paaralan. At dahil nga panahon na naman ng tag-ulan, mas lalong nagiging mahirap ang kanilang sitwasyon lalo pa at nagiging maputik ang mga daan at nagkakaroon ng baha sa mga ilog. Kaugnay nito kamakailan lang ay ilang larawan ng isang lalaki ang naging viral sa internet matapos nitong lumangoy sa rumaragasang maputik na baha habang hawak-hawak sa isang kamay ang nylon plastic kung saan nakasilid ang mga batang halos magkanda kuba na sa pagkakabaluktot. Ang nasabing post ay ibinahagi ni Siakapkeli at nangyari di umano ito sa Huoi Ha villa...

Estudyante Nagtitinda Ng Banana Cue At Meryenda, Nakapagtapos Bilang "Cum Laude"

Hindi ba't tunay na nakakabilib ang mga kwento ng mga estudyante na kahit hirap na hirap na sa buhay ay pinipilit pa rin na makatapagtapos sa pag-aaral. Yong sila pa ang gumagawa ng paraan para makatulong sa kanilang mga magulang upang matustusan lang ang kanilang pang araw-araw na gastusin. Ganyan ang kwento ng iskolar na si Jogie Papillera na isang estudyante ng San Sebastian College sa Canlubang. Talagang sinikap niya na makapasa sa scholarship para makabawas sa tuition fee at makapagtapos sa kursong BS Accountancy. Ayon sa kanyang valedictorian speech, ibinahagi niya kung paano ang naranasan niyang hirap noong nag-aaral pa lamang siya. Ikunwento niya na ang kanyang ama ay isang factory worker samantalang ang kanyang ina noon ay naglalako lamang ng mga meryenda gaya ng banana cue, kamote cue, karyoka, turon, lumpia, nilagang mais, mani, at bilu-bilo bago siyang nag OFW sa ibang bansa. Noong bata siya ay naranasan ng kanyang pamilya ang magutom, walang pera...