Skip to main content

Posts

Huwag Itapon ang mga Buto ng Papaya Dahil Ito ang Benepisyo na Dulot Nito Kapag Ito ay Kinonsumo

Ang bunga ng papaya ay isa sa mga pagkain na tinaguriang “superfood” dahil nagtataglay ito ng maraming bitamina at sustansya na mainam para sa kalusugan ng ating katawan. Mayaman ito sa anti-oxidants at nagtataglay ng carotenes, vitamin B at C, flavonoids, calcium, fiber at magnesium. Karaniwan ay ang laman ng bunga lamang ang nakukunsumo natin at ang mga buto, kung hindi itatanim, ay itinatapon lang sa basurahan. Ngunit mayroon pala tayong pwedeng makuha mula sa mga ito kaya hindi ito dapat itinatapon, narito ang ilan sa mga dahilan: Pangontra sa bacteria at virus Ito ay may anti-bacterial na epekto sa katawan kaya maigi ito lalo na sa sikmura. Ang kakaunting dinurog na buto ng papaya ay sapat na upang mapigilan ang pagdami ng bacteria sa tiyan at maiwasan ang impeksyon na maaaring idulot ng mga ito. Ang pagkunsumo rito tatlong beses sa isang araw ay makakatulong panlaban sa E.coli, Salmonella, Staphylococcus at iba pa. Pampatibay ng mga buto Mayam...

5 Habits Na Nakakapinsala Sa Ating Tenga At Pandinig

Sa dami ng ingay na naririnig natin sa ating paligid, minsan ito ay nakaka-apekto na sa ating tenga. Mayroon din tayong mga habits o gawain na patuloy parin nating ginagawa at hindi natin namamalayan na nakakapinsala na pala sa ating pandinig.  Narito ang mga bagay na nakakapinsala sa ating pandinig na dapat mo nang iwasan kung ayaw mong magka-hearing loss o mabingi ng tuluyan. 1. Pagkakaexpose sa malakas na tunog Dahil nga sa ating makabagong teknolohiya ngayon, naging madalas na rin ang paggamit ng mga tao sa kanilang mga earphones o headset habang nanunuod ng pelikula, nakikinig ng music, nakikipag-usap, at iba pa. Ngunit minsan dahil sa kagustuhan nating malinaw at klaro ang ating naririnig ay nilalakasan natin ang volume nito. Maging maingat lang dahil ang gawaing ito ay nakakapinsala sa ating tenga at pandinig lalo na't kapag laging malakas ang volume nito. Importante rin na i-limit ang oras sa paggamit ng mga earphones o headset.  2. P...

5 Pagkaing Mapanganib Dahil Nakakasira Sa Cells Ng Katawan

Kapag narinig ang salitang 'carcin0gens' ang unang papasok sa ating isip ay masama sa katawan. Ito kasi ay isang substansya na maaaring makapagpabago sa ating mga cells at ginagawa itong c*nc*rous na maaaring maapektuhan maging ang mga kalapit na mga tissues at ibang parte ng katawan.  Kaya habang maaga pa ay iwasan na ang mga pagkaing ito. 1. Inihaw na karne Ang mga karneng iniluto sa napakainit na temperatura tulad na lamang ng pag-iihaw ay maaaring makapagbuo ng kemikal na maaaring makapagdulot ng pagbabago sa ating DNA. Ang pagkonsumo ng mga pagkaing nasunog mula sa pagkakaihaw ay nauugnay sa mataas na tiyansa sa pagkakaroon ng k*nser.  2. Pulang karne at Prinosesong pagkain Ang mga karne o pagkain na dumaan sa napakahabang proseso ay nagtataglay ng mataas na asin at mga preserbatibo. Katulad nito ay ang mga bacon, hotdogs, sausage, at ham. Ang mga ito ay maaaring may taglay na nitrates at sodium na nakakasama sa ating katawan. 3...

5 Amazing Benefits Ng Chia Seeds Sa Ating Katawan

Nauuso ngayon sa mga online selling sites ang mga Chia Seeds. Ito ay parang mga maliliit na itim na buto na mula sa isang desert plant na Salvia hispanica, isang miyembro ng mint family. Kapag tuyo pa ang mga ito ay mas maliit pa sila sa butil ng bigas. Ngunit kapag ibinabad ito sa tubig o hinalo sa mga inumin ay nag-eexpand ang mga ito.  Ngunit ano nga ba ang benepisyo ng mga ito at kung bakit matunog ang mga Chia Seeds sa panahon ngayon? Narito at alamin. 1. Mayaman sa fiber Ang ating katawan ay kailangan ng fiber araw-araw upang mas mapadali ang paglabas ng ating dumi. At ang madaling paraan upang mapataas ang fiber intake ay ang pagkain ng mga pagkain tulad ng gulay, prutas, grains, at nuts. Pero ang 1 ounce lang ng chia seeds ay 10 gramo na ang taglay nitong fiber, higit na sa kalahati ng recommended fiber intake ng mga taong nasa 50 taong gulang pataas.  2. Pampapayat Kadalasang iniinom ng mga nais magpapayat ay lemon water na mayroong ...

Nangitim ang Balat sa Binti ng Isang Bata Matapos Magkaroon Ito ng Impeksyon Dahil sa Kagat ng Lamok

Hindi na bago sa atin ang pagkakaroon ng mga pantal dahil sa kagat ng lamok at kadalasan ay binabalewala lamang natin ito, maliban na lang kung may dala itong dengue at iba pang mga sakit. Kaya naman nauso na rin ang iba’t-ibang mga produkto na pwedeng gamitin upang magsilbing pangontra sa mga lamok, nariyan ang mga lotion, patches, katol, kandila, at marami pang iba. Gayunman, hindi sa lahat ng pagkakataon ay pwede nating balewalain ang simpleng pantal dahil maaari itong mauwi sa malubhang sitwasyon. Isang pambihirang kaso ang naranasan ni Wen Wen, isang apat na taong gulang na bata mula sa Hubei China. Inakala ng ina nito na normal na kagat lamang ng lamok ang mga pantal na nakita nito sa mga hita ng bata habang pinapaliguan niya ito.  Hindi nito inasahan na magkakaroon ng napakataas na lagnat ang anak pagkalipas ng apat na araw at doon na ito nabahala nang husto kaya isinugod na niya ito sa ospital. Sa pagkakataong ito ay nagsimula nang mamaga at mangi...

Paggawa ng Sariling Lagundi Syrup sa Bahay, Epektibong Remedy Para sa Ubo, Sipon at Plema

Ang lagundi ay isang halaman na napatunayan nang may taglay na katangian na may benepisyong pang-medikal. Kilala rin ito sa tawag na five-leaved chaste tree at karaniwang ginagamit ang mga dahon at ugat nito bilang epektibong panlunas sa ubo, hika, trangkaso at iba pa.  Ayon sa mga pag-aaral ay nagtataglay ito ng Chrysoplenol D, isang sangkap na anti-histamine at nakakapagpakalma sa mga muslces sa katawan. Pinipigilan rin nito ang produksyon ng leokotrienes na inilalabas ng katawan tuwing inaatake ang isang tao ng hika.  Ang pinakasikat na nagagawa ng halamang ito ay ang magpagaling ng ubo. Kilala itong epektibo sa pagpapaluwag ng dibdib mula sa makapit na plema at naaalis rin nito ang ibang sintomas na dala ng karamdaman tulad ng sipon, masakit na lalamunan at trangkaso. Kadalasan ay naglalaga lamang ang mga tao ng kalahating tasa ng dahon ng lagundi sa dalawang tasa ng tubig upang inumin bilang tsa-a tatlong beses sa isang araw. Gayu...

Walong Herbal Remedies Para Makaiwas at Panlunas sa Goiter

Ang goiter ay isang kondisyon kung saan namamaga ang ating thyroid gland na kung saan minsan ay anhi ng hypothyroidism o hyperthyroidism, dahilan upang lumaki ang parte ng leeg kung saan ito nakapwesto.  Ang glandulang ito ay hugis paru-paro at nasa bandang ibaba ng ating Adam’s apple. Ang goiter ay karaniwang walang masakit na sintomas ngunit ang pangunahing sintomas ay nakakaranas ng problema sa paglunok, pagsasalita at paghinga ang mga taong apektado nito. Isa sa pinakamalimit na nagdudulot nito ay ang kakulangan sa iodine sa katawan.  Ano ang mga sintomas ng goiter? • Panlalaki o pamamaga ng leeg • Biglaang pagtaas o pagbagsak ng timbang • Paninikip ng lalamunan • Pagiging iritable • Pagbabago sa boses • Hirap sa paglunok • Pag-uubo Ito ang ilang herbal at home remedies na pwedeng gawin upang makaiwas sa Goiter; 1 Apple Cider Vinegar Ang bahagyang pagiging acidic nito ay tumutulong magpahupa sa pamama...