Skip to main content

7 Benepisyo Ng Pagkain Ng Langka Sa Ating Katawan!



Ang langka  ay isang prutas na kilalang-kilala sa Pilipinas dahil sa lasa at kakaibang amoy nito at karaniwang iniluluto na minatamis o ginataan. Ang prutas na ito ay mayaman s bitamina, mineral, at anti-oxidants na maganda para sa ating katawan. 

Marami sa atin ang madalas magluto ng langka dahil sa matamis at masarap nitong lasa. Alam niyo ba na hindi lang ito masarap, ito rin ay isang halamang gamot na panlaban sa iba't ibang karamdaman at nakakapagbigay ng maraming health benefits.

Narito ang mga importanteng benepisyo ng pagkain ng langka!

1. Nagbibigay proteksyon sa colon

Dahil sa taglay nito anti-oxidant properties, kaya nitong bigyan ng proteksyon ang colon o bituka. Ito rin ay punong-puno ng fibers na kaya linisin ang iyong bituka upang ikaw ay makadumi ng maayos. 

2. Proteksyon sa mata

Ang langka ay mayroong bitamina A na isang nutrient na kailangan ng ating mata. Nakakatulong din itong iimprove ang iyong paningin at protektahan ang mata sa mga free radicals.

3. Tumutulong upang makaiwas sa anemia

Mataas sa iron ang prutas na ito na nakakatulong upang makaiwas sa anemia at sa pagpapaganda ng daloy ng dugo sa katawan.

4. Pinapalakas ang immune system

Mataas ang taglay na anti-oxidant properties at vitamin C ang langka na nakakatulong upang labanan ng katawan ang mga toxins sa ating sistema. Ang pagkain nito ay mahalaga upang tumaas ang resistensya natin sa mga s4kit. 

5. Nagkokontrol ng heart rate o blood pressure

Kung kayo ay may problema sa puso, nakakatulong ang pagkain ng langka na ikontrol ang iyong heart rate at iregulate ang presyon sa normal dahil sa taglay nitong potassium.
6. Mayroon itong anti-aging properties

Ang langka ay mayroong anti-aging properties na tumutulong pabagalin pagkasira ng mga cells na sanhi ng maagang pagtanda at pagkakaroon ng mga wrinkles sa balat. 

7. Panlunas sa constipation

Problema niyo ba ang pagiging constipated o hirap sa pagdumi? Kumain ng langka dahil ito ay nakakatulong tunawin ang matigas na dumi o toxic waste sa loob ng katawan. Nakakatulong ito upang makapagdumi ng regular dahil ito ay punong-puno ng fibers.


Comments

Popular posts from this blog

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-...

7 Tips Na Dapat Tandaan Upang Hindi Mabilis Mapanis Ang Kanin Na Sinaing

Ang rice o kanin ang 'staple food' nating mga Pinoy. Sa tuwing tayo ay kakain ng agahan, tanghalian, at hapunan ay a na tayo ay nagkakanin.  Ngunit minsan, kung napapansin ninyo ay napapasobra ang inyong nasasaing kaya naman kung hindi ito agad nakakain ay nasisira at nasasayang na lang ito. Kaya narito ang ilang mga tips na dapat tandaan para hindi mabilis mapanis ang inyong kanin. 1. Tiyaking malinis ang kalderong pang-saing Bago magsaing ng kanin, siguraduhing dapat malinis ang kalderong pagsasaingan. Minsan, isa sa mga dahilan kung bakit madaling mapanis ang inyong kanin ay dahil hindi nalilinisang mabuti ang kaldero. Maaaring may mga natirang kanin o di kaya ay mayroong sabon na naiwan. Kaya naman kung nais talagang makatiyak na walang mikrobyong naiwan ay pakuluan ito bago gamitin. 2. Tubigan ng tama ang bigas Isa rin sa mga nakakaapekto sa madaling pagkapanis ng kanin ay ang tubig na inilalagay rito. Makakabuti na kapag luma na ang biga...