Kilala ang halaman na atis dahil bunga nito na paborito ng maraming Pilipino. Mayroon itong berde, bilugan ngunit umbok-umbok na bunga na may maputing laman at maiitim na mga buto. Karaniwan ding makikita ang puno nito na tumutubo sa buong kapuluan ng Pilipinas.
Ano ang mga sustansya at kemikal na maaring makuha sa atis?
1. Ang dahon nito ay makukuhanan ng alkaloid na chloroplatinate.
2. Makikita rin ang isa pang alkaloid na anonaine sa dahon, buto, at balat ng kahoy nito.
3. Ang balat ng bunga ng atis ay mayroong alkaloids, proteins, carbohydrates, flavanoids, glycosides, saponins, at tannins.
4. Ang buto ng atis ay makukuhanan ng alkaloid, neutral resin, at fixed oil.
Ano ang mga sak!t na maaring magamot ng atis?
1. Pagnanana
Ang dinikdik na dahon na pinahiran ng asin ay inilalagay sa sug@t na nagnanana upang mabilis na maghilom at mapalabas ang mga nana.
2. Kuto at lisa
Dinudurog ang buto ng atis at inilalagay sa langis upang ipambabad sa ulo na may kuto at lisa. Iniiwan ito ng isang buong gabi bago banlawan kinabukasan.
3. Pagtatae
Ang pag-inom sa pinaglagaan ng balat ng kahoy ng atis ay mabisa upang pigilan ang pagdudumi.
4. Bulate sa tiyan
Ang pinaglagaan din ng ugat ng puno ng atis ay mabisa bilang pampurga sa mga bulate sa tiyan.
5. Rayuma
Maaaring ipanghugas o ipanligo sa bahagi ng katawan na sumasak!t dahil sa rayuma ang pinaglagaan ng dahon ng atis upang mabawasan ang pananak!t.
6. Pagkahimatay
Ipinapaamoy sa ilong ang dinikdik na dahon ng atis upang magising ang taong hinimatay.
7. Kagat ng insekto
Ang pagpapahid ng katas ng hilaw na bunga ng atis ay mabisa para sa malalang kagat ng insekto.
8. Diabetes
Pinapainom din ng pinaglagaan ng murang dahon ng atis ang mga taong may karamdamang diabetes.
Disclaimer: Ang mga halamang gamot ay maaaring makatulong sa iba’t ibang mga karamdaman. Ngunit hindi makapagbibigay ang PH Daily Updates ng katiyakan na ang mga ito ay epektibo sapagkat ang epekto ng mga halamang gamot ay maaaring gumana sa ilan, ngunit sa iba ay maaaring hindi naman. Gaya ng ibang gamot, mahalagang isangguni ang pag-inom ng mga halamang gamot sa inyong doktor.
Jowel opiz
ReplyDelete