Ang pagkakaroon ng kakulangan ng bitamina at nutrisyon ay maaaring mauwi sa iba't ibang isyu sa kalugusan. Kapag ang katawan ay nagkulangan ng nutrisyon, pwedeng magkaroon ng imbalance at ang iyong buong pangangatawan ay maaapektuhan.
Kadalasan, kapag nagkakaroon ng nutrient deficiency ang isang tao ay ipinapahiwatig ito ng iba't ibang mga senyales na makikita sa panlabas na kaanyuan. Narito at alamin ang mga senyales kung ang inyong katawan ay kulang sa bitamina at nutrisyon!
1. Maputlang balat at labi
Ang ating mga labi ay may likas na pinkish color. Ngunit kung ang iyong labi ay namumutla, maaaring ikaw ay anemic o kulang sa iron ang katawan. Ang iron ay isa sa mga nutrisyon na kailangan ng ating dug0 na nagbibigay ng pulang kulay nito.
2. Pagkahilo at pananak!t ng ulo
Ang kakulangan sa iron at iba pang bitamina ay nakakapagdulot ng pananak!t ng ulo at minsan ay pagkahilo. Ito ay dahil nagkukulangan ng sapat ng oxygen ang utak upang paganahin ang katawan. At kapag kulang ang oxygen sa katawan, maaari ring bumagsak ang iyong presyon.
3. Fatigue / pagka-hapo
Natural lamang na mapagod ang ating katawan sa buong araw. Ngunit kung wala ka pa naman masyadong aktibidad pero pagod na pagod ka na, maaaring ito ay fatigue. Ang fatigue ay isang karaniwang senyales ng nutritional deficiency. Ito ay nararanasan kapag kulang sa nutrisyon ang katawan at hindi na makapag-function ng mabuti ang katawan dahil sa mababang energy levels at panghihina.
4. Damage sa iyong kuko, buhok, at balat
Ang kakulangan sa protina ang dahilan kung bakit madaling magputol-putol ang hibla ng buhok. Ito rin ang dahilan kung bakit nagiging marupok ang mga kuko. Mag-ingat din dahil ang nutritional deficiency ay nakakapagdulot rin ng maagang pagtanda, wrinkles, at dry skin.
5. Pagkakaroon ng skin rashes at iba pang kondisyon sa balat
Ang pagkakaroon ng mga skin rashes, tigyawat, acne, at iba pa ay hindi lamang dahil sa hindi hiyang na kinakain. Maaaring dulot din ito ng pagkakaroon ng kakulangan sa bitamina at nutrisyon kaya nagkakaroon ng imbalance sa katawan.
6. Pagbabago sa iyong timbang
Hindi ibig sabihin na kung mataba ka ay malusog ka. Ang nutritional deficiency ay nakakapagpabago sa metabolismo ng katawan. Maaaring ikaw ay mabawasan o madagdagan ng timbang. At kung nararanasan ang biglaang pagbabago sa iyong timbang, hindi ito isang magandang senyales ng katawan.
7. Nahihirapang huminga
Ang pagkaranas ng kahirapan sa paghinga ay isang hindi magandang senyales na maaaring dulot ng kakulangan sa iron. At kung hindi nakakakuha ng sapat na oxygen ang katawan at mga organs, possible itong magkaroon ng komplikasyon sa kalusugan.
8. Mabagal na paghilom ng sugat
Kapag ang katawan ay kulang sa bitamina C, maaaring ang sugat sa iyong katawan ay hindi madaling maghilom. Maaaring iyong gilagid ay dumudugo kapag nagsesepilyo o di kaya ay matagal bago gumaling ang sugat.
Comments
Post a Comment