Bunga ng Malunggay, Isa sa Pinakamabisa na Pagkain Para sa mga Taong may Mataas na Presyon! Narito Kung Paano Ito Lutuin!
Ang malunggay ay kilala bilang isang halaman na puno ng benepisyong hatid sa ating kalusugan. Mula sa ugat hanggang sa dahon nito, ginagamit bilang panggam0t sa mga karamdaman. Maaari rin itong gawing inumin at kainin bilang gulay. Makatutulong ang malunggay sa ilang uri ng sak!t tulad ng diabetes, high blood, sore throat, rayuma at hika. Ngunit hindi lamang ang dahon ng malunggay ang may magandang hatid sa ating kalusugan kung hindi pati ang bunga nito. Ang bunga ng malunggay ay kilala sa tawag na agud o hagud. Ginagamit ito bilang sangkap sa mga lutuin o ito mismo ang pangunahing lutuin.
Ang bunga ng malunggay ay maaaring isama sa mga sangkap ng pinakbet, monggo, o kaya naman magluto ng ginisang bunga ng malunggay.
Kung hindi mo pa natitikman ang isang luto ng bungga ng malunggay, huwag nang magdalawang isip na lutuin ito. Hindi mo alam kung paano? Basahin ang mga sumusunod na hakbang sa ibaba at kung ano ang mga kakailanganin na sangkap para malaman kung paano lutuin at para masagot na ang tanong sa iyong isipan kung ano nga ba ang lasa nito.
Hindi lamang ang malunggay leaves ang makakapagpabigay saiyo ng magandang benepisoy kundi ang bunga rin nito ay sagana na sa nutrients na kailangan ng ating katawan panlaban sa sak!t.
Narito ang sangkap na gagamitin at kung paano lulutuin ang ginisang bunga ng malunggay. Mga Sangkap na kakailanganin:
• Dalawampung pirasong bunga ng malunggay
• Isang lata ng Sardinas
• Isang pirasong Sibuyas
• Apat na butil ng bawang
• Limang pirasong kamatis
• Limang pirasong okra
• Tatlong pirasong talong
• Dalawang pirasong ampalaya
• Sangkapat na piraso ng kalabasa
• Mantika
• Patis
• Tubig
• Asin at vetsin
Paano Lutuin:
1. Unang hakbang, Painitin ang kaserola at ilagay ang mantika. Makalipas ang isang minuto, Ilagay ang sibuyas at bawang. Igisa ito ng dalawa hanggang tatlong minuto.
2. Pangalawang hakbang, mapatapos magawa ang unang gawain. Idagdag ang kamatis at igisa hanggang sa magsabaw ito at lumambot. Muli idagdag ang patis. Hayaan na kumulo ng isa hanggang dalawang minuto. Maaaring lagyan ng patis at hindi. Gawin kung ano ang mas nanaisin.
3. Pangatlong hakbang, Ilagay ang sardinas at pagpirapirasuhin. Haluin ng kaunti at hayaang kumulo ng dalawang minuto. Makalipas ang dalawang minuto, Idagdagan ng kaunting tubig at hayaang kumulo.
4. Pang-apat na hakbang, Ilagay ang bunga ng malunggay, kalabasa, at okra. Pakuluin ng tatlong minuto.
5. Pang-limang hakbang, Muli idagdag ang talong at ampalaya. Pakuluin muli ng tatlo hanggang limang minuto.
6. Pang-anim na hakbang, Lagyan ng vetsin o ano mang pampalasa at asin. Ngunit kapag gumamit na ng patis ay huwag nang lalagyan ng asin. Kapag malambot na ang mga gulay ay maaari mo na itong iserve at kainin.
Ano ang benepisyo ng bunga ng malunggay o ang agud?
Napakaraming benepisyo ng malunggay at ito ay tinatawag na powerful plant dahil may kakayahan itong gamutin ang mga iba't ibang karamdaman.
Ang pagkain ng bunga ng malunggay ay makakatulong upang makaiwas sa mga implamasyon sa ating katawan.
Ito rin ay maganda para sa mga taong nakakaranas ng pagdudumi, pananak!t ng tyan dahil sa ulcer at malnutrition.
May ilan din na nagsasabi na ito ay nakakatulong sa pagpapababa ng ating presyon at makakatulong para sa mga diabetic na tao.
Kaya naman ugaliin kumain ng malunggay leaves at bunga ng malunggay upang mas makuha ang magandang benepisyo nito.
Comments
Post a Comment