Sigurado na kapag kumain kayo ng mais ay tinatapon niyo na lang ang buhok ng mais o corn silk. Kung iisipin, wala na itong pakinabang dahil hindi naman ito nakakain. Pero ang hindi napag-aalaman ng karamihan, ang buhok ng mais ay may medisinal na benepisyo kapag ito ay iyong nilaga.
Upang makamit ang mga benepisyong naibibigay nito, gawing tsaa ang nilagang buhok ng mais. Narito ang paraan paano ito gagawin.
Sangkap ng kailangan
- Tuyo o fresh na buhok ng mais
- Tubig
- Lemon / honey
Paraan paano ito gagawing tsaa
Magpakulo ng tubig sa kaserola. Kapag kumukulo na ito, ihulog ang buhok ng mais. Ang tubig ay magkukulay ng brown. Tapos ay salain ang buhok ng mais. Ang nasalang tubig ay maaaring lagyan ng honey o lemon juice upang maayon sa iyong panlasa. Inumin araw-araw.
Mga benepisyong medikal na napapagaling ng nilagang buhok ng mais
1. Panlaban sa UTI / Urinary Tract Inf*ction
Ang buhok ng mais ay nakakapagpigil ng implamasyon sa katawan kaya maganda ito para sa mga taong may UTI. Pinoprotektahan nito ang lining sa iyong urinary tract at binabawasan ang pagdami ng bakterya na maaaring magdulot ng imp*ksyon.
2. Natural na pampaihi
Kung ikaw ay may problema sa bato, narito ang solusyon na dapat mong subukan. Dahil ang tsaa na gawa sa buhok ng mais ay isang natural na pampaihi. Tinutulungan nito na mailabas ang sobrang tubig sa katawan at maiwasan ang pagkakaroon ng komplikasyon sa iyong mga kidneys.
3. Pampababa ng presyon
Maraming tao ang mayroong high blo0d pressure. At napakarami ring natural na paraan upang mapababa ito. Ngunit minsan ang mga paraang ito ay maaaring umepekto sa iba pero sa iba ay hindi. Pero kung naghahanap ka pa ng ibang paraan upang mapababa ang iyong presyon, subukang uminom ng nilagang buhok ng mais dahil napag-alamang nakakabawas ito ng presyon.
5. Panlaban sa kolesterol
Ang pagkakaroon ng sobrang kolesterol sa iyong dugo ay nagdudulot ng napakaraming komplikasyon sa katagalan gaya ng sak!t sa puso. Upang maiwasan ito, dapat ay makontrol ang iyong kolesterol. Ayon sa isang pag-aaral sa isang university sa China, ang buhok ng mais ay nakakatulong magpababa ng lebel ng kolesterol sa katawan.
6. Pampagaling sa mga implamasyon
Kilala ang buhok ng mais dahil sa anti-inflammatory properties nito. Ginagamit ito sa tradisyunal na panggagamot para sa mga sak!t tulad ng gout at arthritis. Binabawasan nito ang sobra-sobrang uric acid formation sa mga joints.
7. Para sa mga rashes at pangangati
Ang pinaglagaang buhok ng mais ay maaaring ipangpahid sa mga rashes at pangangati sa katawan dahil may kakayahan itong bawasan ang iritasyon at pangangati sa balat.
Comments
Post a Comment