Skip to main content

Apples With Wax: Masamang Epekto Sa Katawan At Paraan Para Matanggal Ito



Sa panahon talaga ngayon, marami na ang kung ano-anong nilalagay sa mga pagkain upang mas maging presentable lang ang mga ito. Ayon nga sa kasabihan, "looks can be deceiving" ika nga. Sa unang tingin akala mo ito ay masarap dahil kaaya-aya itong tignan, ngunit kung sisiyasating mabuting ito pala ay nakakasama sa kalusugan.

Tulad na lamang ng ginagawang paraan na ito upang maging makintab at mukhang fresh ang mga mansanas na ibinebenta sa merkado. Ito ay ang pagbabalot ng mansanas gamit ang wax. Ginagawa ito upang maprotektahan ang mansanas sa mga mirkrorganismo at para manatili itong mukhang fresh.

Upang maibalik ang kinang ng mansanas, ang ibang mga sellers ay naglalagay ng tinatawa na 'edible coating' upang mas maging attractive ang mansanas. 

Paano malalaman kung may wax ang nabiling mansanas?

May mga pagkakataon na kapag sobrang kintab ang mansanas maaaring binalutan ito ng wax. Ngunit mayroon pang ibang paraan upang malaman kung ito ay may wax.

  1. Gamit ang kutsilyo, i-scratch ang ibabaw na bahagi ng balat ng mansanas. Kung mayroong nakukuhang puti-puti ito ay ang wax.
  2. Ikaskas ang mansanas sa inyong palad. Kapag mayroong puting parang pulbo na naiwan sa inyong kamay, ito ay ang wax coating.
Ang wax na ginagamit na pambalot sa mga prutas tulad nito ay food grade wax. Maaaring ito ay gawa sa beeswax, carnauba wax, shellac, o petroleum jelly. Ngunit kahit na sinabing ito ay edible synthetic coating, hindi pa rin ito maganda para sa katawan lalo na kapag nakain ng maramihan.

Ano ang epekto ng wax sa ating katawan?

Ang synthetic wax na nilalagay sa mga mansanas ay hindi madaling matunaw sa katawan. Ang mga hindi naabsorb na wax na ito ay naiiwan sa ating maliliit na bituka at maaaring makapagdulot ng mga digestive issues. Maaari rin itong magdulot ng:
  • ulser sa linya ng loob ng iyong tiyan at bituka
  • imp*syon sa iyong tiyan
  • problema sa pantunaw
  • respirat0ry problems

Mga Paraan Para Tanggalin Ang Wax Sa Mansanas

1. Apple Cider Vinegar

Gamit ang isang tela, punasan ang mansanas na may apple cider vinegar solution. At pagkatapos ay maaari ng hugasan ito at kainin.

2. Baking soda at katas ng lemon

Maghalo ng 1 kutsaritang baking soda at katas ng lemon sa tubig. Ibabad ang mansanas sa mixture na ito at kuskusin gamit ang tela. Hugasan gamit ang malinis na tubig.

3. Paghugas gamit ang mainit na tubig

Ibabad ang mansanas sa mainit na tubig ng ilang segundo upang matunaw at matanggal ang wax. Alisin ang mansanas sa tubig at saka hugasan ito gamit ang running tap water.

4. Suka

Kung kayo ay walang apple cider vinegar, maaari rin namang gamitin ang inyong puting suka. Gamit ang isang tela, basain ito ng suka at ipangkuskos ito sa mansanas. Hugasan pagkatapos.

Comments

Popular posts from this blog

7 Benepisyo Ng Pagkain Ng Langka Sa Ating Katawan!

Ang langka   ay isang prutas na kilalang-kilala sa Pilipinas dahil sa lasa at kakaibang amoy nito at karaniwang iniluluto na minatamis o ginataan. Ang prutas na ito ay mayaman s bitamina, mineral, at anti-oxidants na maganda para sa ating katawan.  Marami sa atin ang madalas magluto ng langka dahil sa matamis at masarap nitong lasa. Alam niyo ba na hindi lang ito masarap, ito rin ay isang halamang gamot na panlaban sa iba't ibang karamdaman at nakakapagbigay ng maraming health benefits. Narito ang mga importanteng benepisyo ng pagkain ng langka! 1. Nagbibigay proteksyon sa colon Dahil sa taglay nito anti-oxidant properties, kaya nitong bigyan ng proteksyon ang colon o bituka. Ito rin ay punong-puno ng fibers na kaya linisin ang iyong bituka upang ikaw ay makadumi ng maayos.  2. Proteksyon sa mata Ang langka ay mayroong bitamina A na isang nutrient na kailangan ng ating mata. Nakakatulong din itong iimprove ang iyong paningin ...

7 Nakakamanghang Benepisyo Ng Paglalagay Ng Yelo o Ice Cube Sa Mukha Para Pampaganda

Dala ng mainit na panahon at matinding sikat ng araw, hindi maikakaila na ang ating balat ay nagsisimulang maging mukhang stressed at dull. Dahil dito, ang pagpahid ng ice cube o yelo sa mukha ay nakaka-refresh sa pakiramdam.  Kapag araw-araw ay nakakaranas ng stress ang iyong mukha at balat, ang ice facial ay makakatulong sa iyo upang maibalik ang dating glow ng mukha. Narito at alamin ang benepisyong hatid nito kaya naman nagiging beauty trend ito. 1. Nakakapagpaliit ng pores Kapag mainit ang panahon, ang ating mga pores sa mukha ay naka-open. At kung palaging ganito ang sitwasyon, mas maraming dumi ang kumakapit sa ating mukha at maaaring siyang maging dahilan kung bakit tinutubuan ng tigyawat. Ang pagpahid ng ice cube sa iyong mukha matapos itong hugasan ay nakakatulong upang mapaliit ang iyong mga pores at maiwasan ang pag-accumulate ng dumi. 2. Ibinabalik ang glowing skin Lahat naman ay ninanais na magkaroon ng makinis at glowing skin. At an...

5 Amazing Health Benefits ng Langka o Jackfruit na Dapat Ninyong Patuuan ng Pansin!

Ang langka ay isang prutas na may malaking puno, hugis bilugan na pahabang malaking bunga, na may tusok-tusok na kulay berdeng balat, kulay dilaw ang laman sa loob, may mabangong amoy at masarap na lasa. Maaari itong kainin at isama sa mga ibang lutuing pagkain. Hindi lamang ito masarap na kainin nagbibigay rin ito ng magandang benepisyo sa katawan at isa rin itong halamang gamot na makatutulong sa mga karamdaman o sakit. Ito ay punong puno ng nutrisyon at benepisyong taglay para sa malusog na kalusugan. Mula sa ugat, dagta, dahon at bunga nito ay nagbibigay ng benepisyo para sa ating katawan na makatutulong sa atin. Subalit pana-panahon lamang ang prutas na langka, kaya naman hanggat mayroon nito, dapat kayong bumili at kumain nito upang makuha ang magandang benefits ng langka. Narito ang mga benepisyong maaaring makuha mula sa langka: 1. Laban sa k^nser Ang langka ay may nilalaman na kayang labanan at pigilan ang k^nser cells sa ating katawan...