Ang malunggay o kilala rin sa tawag na moringa ay isa sa mga popular na gulay sa ating bansa at madalas itong makita sa mga bakuran ng ilan sa mga bahay lalo na sa probinsiya. Mayroon itong maliliit na dahon na siyang niluluto kasabay ng iba pang gulay. Maliban dito, maari ring patuyuin ang mga dahoon at ihalo sa iniinuom na tubig dahil mabisang itong panlaban at panlunas sa ilang mga karamdaman.
Sa artikulong ito ay ating tatalakayin ang ilan sa mga benepisyo ng nasabing gulay sa ating kalusugan.
1. Pampakinis ng balat
Ang malunggay ay sagana sa bitamina C na siyang importante upang mapanatiling makinis at maganda ang ating balat. Mayroon din itong mga antioxidants na siyang panlaban sa mga tinatawag na free radicals na siyang nagiging sanhi ng pagkasira ng ating balat at pagkulubot nito.
2. Malinaw na mata
Mayaman rin sa bitamina A ang malunggay at ayon sa ilang pag-aaral mas mataas ang bilang nito kumpara sa mga carrots. Ang bitaminang ito ay mahalaga upang manatiling malinaw ang ating mga mata at maproteksiyunan ito laban sa posibleng sakit kagaya ng paglabo at pagkabulag.
3. Tulong sa pagpapayat
Ang pagkakaroon ng mataas na bilang ng “fiber” sa malunggay ang siyang dahilan kung bakit mainam ito para sa mga taong nais magpapayat. Sa pamamagitan nito ay mas napapabilis ang proseso ng pagtunaw ng ating mga kinain kaya naman nababawasan ang tyansa na tayo na ay maging mataba.
4. Pampadami ng gatas ng ina
Ang malunggay ay mahalaga para sa mga buntis at may anak na babae dahil nakakatulong ito para mas lalong dumami ang gatas nila para sa kanilang mga sanggol. Ito posible dahil sa enzyme na matatagpuan sa malunggay na tinatawag na “phytoestrogens” na siyang tumutulong sa pagdami ng produksiyon ng gatas.
5. Pampalakas ng mga buto
Ang malunggay ay mayroon ding calcium at phosphorous na siyang kailangan ng ating katawan upang mapanitiling malakas ang ating mga buto. Mayroon din itong tinatawag na “anti-inflammatory” properties na siyang nagpapabawas sa pamamaga ng mga buto na madalas maranasan ng mga taong may arthritis.
Paano gawin ang Malunggay Drink?
1. Kumuha ng isang tasang malunggay leaves
2. Pakuluin ito sa isang kaserola ng limang minuto na may tatlong tasang tubig
3. Ilipat ang katas ng malunggay sa isang tasa, maaari mo itong lagyan ng asukal o honey pampalasa.
Paano ito gawing shake?
-Kumuha ng dalawang tasang malunggay leaves
-Hugasan at ilagay sa blender
-Dagdagan ng powdered sugar, isang tasang gatas at yelo
-Pagsamahin ito sa blender at i-blend hanggang sa madurog ang mga dahon
script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js">
Comments
Post a Comment