Skip to main content

Posts

Showing posts with the label Healthy Tips

Ito ang Dahilan Kung Bakit Hindi Maganda ang Naidudulot ng Pag ulit-ulit na Gamit ng Plastic Bottles o Container!

Alam naman natin na pangunahing problema ang plastik sa ating kalikasan dahil sa masamang dulot nito. Subalit alam niyo ba na hindi lamang sa kalikasan ang masamang epekto na ito? Masama rin ito sa ating kalusugan. Ating alamin kung ano ang masamang dulot nito sa katawan lalo na paggamit ng plastic para sa ating pagkain o inumin. Isa ka ba sa mga taong inuulit-ulit na gamitin ang plastik na bote para lagyan muli ng panibagong tubig o kaya naman pinaglalagyan ng iba pang klase ng inumin upang makatulong sa pagbawas ng plastik na basura? Kung nakagawian mo na ito ay nararapat na iwasan mo na ito dahil ang maaaring maging epekto ng plastik sa ating kalusugan ay hindi kanais-nais. Ang pag-uulit ng bottled water ng ilang beses ay masama sa kalusugan dahil maaring matunaw ang mga kemikal ng plastic at ito ay iyong mainom kung saan posibleng magdulot ng masamang epekto.  Ano nga ang nilalaman ng ilang mga bottled water at bakit ito masama sa ating kalu...

Natutulog Ng Gutom? Ito Ang 4 Na Rason Kung Bakit Hindi Ito Maganda Sa Kalugusan

Iba't iba ang pananaw ng mga tao sa kanilang pagpapayat. May nag-eehersisyo ng sobra, umiinom ng mga kapsulang pampayat, herbal na medisina, at ang pinaka-karaniwang ginagawa ng mga tao ay ang pagpapalipas ng kanilang gutom o di kaya ay hindi kumakain dahil sa tingin nila ito ang mabilis na paraan sa pagbawas ng kanilang timbang.  Ngunit hindi nila alam na nakakapagdudulot ito ng kapahamakan sa kanilang kalusugan. Bukod dito, ang pagkagutom ay nagdudulot ng negatibong epekto sa ating kaisipan na maaaring mahirapan sa pagkatuto o kakayahang mag-isip at walang enerhiya sa mga gawain o kawalan ng lakas ng katawan.  Pinatutunayan din ng siyensya na hindi magandang matulog ng walang laman ang tiyan o gutom. Narito ang maaaring mangyari at epekto sa katawan. 1. Nakakadagdag ng timbang Kung sa tingin mo ang pagpapagutom sa iyong sarili ay makatutulong sa iyo para mabawasan ang iyong timbang, isang malaking pagkakamali ito. Dahil na imbes na pumayat k...

Limang Pinakamadaling Itanim na mga Gulay sa Inyong Bakuran

Hindi natin alam kung hanggang kailan nga ba magkakaroon ng Community Quarantine dahil araw-araw ay padagdag na ng padagdag ang mga taong nagpopositibo sa Covid19. Kaya naman halos hirap tayo ngayon makabangon dahil ang iba sa atin ay sapat lamang ang kinikita para may ipakain sa kanilang pamilya, habang ang iba naman ay kinakailangan pa rin maghanap ng trabaho kahit na delikado para sa kanilang kalusugan para lamang may ipakain sa kanilang pamilya. Kaya naman nakaisip kami ng paraan upang makatulong ng kaunti at makapag bigay ng ideya para sa mga hirap ngayon sa buhay.  Ang simpleng pagtatanim ng mga patapon na gulay sa inyong bakuran ay isang magandang paraan lalo na ngayon quarantine dahil makakatulong ito lalo na kung wala na kayong pambili ng pagkain. Libre na, masustansiya pa! Narito ang ilang mga pinakamadaling itanim at mabilis na lumago na mga gulay na maaari ninyong itanim sa inyong bakuran: 1. Okra Ang Okra ay isa sa pinaka m...

Anim na Pagkain na Talagang Sisira sa Iyong ATAY o LIVER

Tungkulin natin pangalagaan ang ating sarili upang maiwasan ang mga panganib mula sa mga karamdaman at mapanatiling maayos ang kalagayan ng ating kalusugan. Ngunit kung minsan hindi natin namamalayan na ang ating mga kinakain at iniinom ay hindi na pala nakabubuti sa atin. Kaya naman nararapat na magkaroon ng disiplina sa mga pagkain at pag-inom.  Isang malaking epekto ng pagkain ng unhealthy foods ay ang paghina ng ating atay na siyang nagdudulot ng malalang komplikasyon. Napakaimportante ng atay sa ating katawan dahil trabaho nito ang linisin ang mga dumi sa ating dugo, pag-alis ng sirang cells, tunawin ang taba mula sa mga kinakain at iniinom natin at pagalaga sa glucose na nagbibigay rin ng kalakasan sa atin. Kaya naman napakahalagang ingatan natin ito upang mapanatiling malakas at malusog ang ating katawan. Narito ang mga pagkain na kinakailangan na nating bawasan para sa ikabubuti ng ating atay: 1. Processed food na naglalaman ng m...

Limang Dahilan at Sanhi Kung Bakit Sumasakit ang Lalamunan Bukod sa Pag-Inom ng Malamig

Minsan hindi maiwasan na sumakit ang ating lalamunan dahil sa sobrang pag-inom ng mainit at malamig na inumin. Maaaring dahil rin sa ating kinain na nagpairita nito o di kaya naman sa sobrang matatamis na pagkain. Ngunit ang pagkaramdam ng hapdi o burn sensation sa lalamunan ay huwag katakutan dahil madali lamang na malunasan ang sintomas na ito sa natural na paraan.  Isang pinakamabisang paraan para dito ay ang pag-inom ng maraming tubig at pahinga.  Subalit alam niyo ba na mayroong ilang dahilan kung bakit nagkakaroon ng pananakit ng lalamunan ang isang tao bukod sa paginom ng malamig? Narito ang ilang rason na posibleng sanhi ng pananakit ng lalamunan. 1. Common cold  Ang pagkakaroon ng sipon ay pangkaraniwang karamdaman lamang. Kahit ano man iwas natin kung minsan ay hindi pa rin maiwasan na tamaan nito. Ngunit hindi naman nakababahala ang karamdaman na ito dahil sa loob ng isang taon dalawa o hanggang tatlong beses magkaroon nito ang m...

7 Tips Na Dapat Tandaan Upang Hindi Mabilis Mapanis Ang Kanin Na Sinaing

Ang rice o kanin ang 'staple food' nating mga Pinoy. Sa tuwing tayo ay kakain ng agahan, tanghalian, at hapunan ay a na tayo ay nagkakanin.  Ngunit minsan, kung napapansin ninyo ay napapasobra ang inyong nasasaing kaya naman kung hindi ito agad nakakain ay nasisira at nasasayang na lang ito. Kaya narito ang ilang mga tips na dapat tandaan para hindi mabilis mapanis ang inyong kanin. 1. Tiyaking malinis ang kalderong pang-saing Bago magsaing ng kanin, siguraduhing dapat malinis ang kalderong pagsasaingan. Minsan, isa sa mga dahilan kung bakit madaling mapanis ang inyong kanin ay dahil hindi nalilinisang mabuti ang kaldero. Maaaring may mga natirang kanin o di kaya ay mayroong sabon na naiwan. Kaya naman kung nais talagang makatiyak na walang mikrobyong naiwan ay pakuluan ito bago gamitin. 2. Tubigan ng tama ang bigas Isa rin sa mga nakakaapekto sa madaling pagkapanis ng kanin ay ang tubig na inilalagay rito. Makakabuti na kapag luma na ang biga...

Ito ang Anim na Benepisyo na Naidudulot ng Pagmumog ng Olive Oil Tuwing Umaga

Ang olive oil, partikular na ang extra virgin olive oil, ay kilalang mapagkukunan ng mga benepisyong pang-kalusugan. Maraming pag-aaral ang nagsasabing ang mga oil katulad nito ay maganda para sa ating katawan dahil mayaman ito sa anti-oxidants na pwedeng tumulong upang mapanatili ang magandang kondisyon ng ating katawan. Mainam itong pangontra sa mga iba’t-ibang karamdaman kagaya ng diabetes, altapresyon at iba pang mga s(a)kit sa puso. Pwede rin itong makatulong sa pagbabawas ng timbang at magsisilbi rin itong proteksyon ng ating sistema laban sa k(a)nser.  Kadalasan ay ginagamit ang olive oil sa pagluluto o kaya sa paggawa ng salad dressing, ngunit may isa pang paraan ng paggamit nito at iyon ay ang pagmumumog nito Narito ang anim na magandang epekto kung bakit mahalaga ang pagmumog ng Olive Oil: 1. Nakakabawas ng mabahong amoy ng hininga  • Marami ang maaaring magsanhi ng pagkakaroon ng mabahong hininga pero isa sa pun...

6 Rason Kung Bakit Kailangang Kumain Ng Celery Ng Madalas

Ang celery ay isang napaka-sustansyang gulay kahit na hindi ito nagugustuhan ng marami dahil sa mapakla na lasa nito. Gayunpaman, kung isinama naman ito sa ibang lutuin ay magiging masarap na ang lasa nito. Ang fresh at malutong na stick ng celery ay nagtataglay ng halos 95% ng tubig. At kung pagdating sa hatid na nutrisyon nito sa ating katawan, ay talaga namang nakakamangha. Narito ang mga rason kung bakit kailangan mong dalasan kumain ng celery. 1. Mas dadali ang iyong pagpapapayat Dahil nga ang celery ay nagtataglay ng halos tubig, kapag ito ang iyong kinakain ay madali kang mabubusog nang hindi kumakain ng napakaraming kalorya. Sa ganoong paraan ay mas mapapadali ang iyong pagbabawas ng timbang. 2. Pantanggal sa heartburn Ang heartburn o acid reflux ay isang kondisyon na nararanasan ng ibang tao dahil sa maling diet at mahinang pantunaw. Samantala, ang katas o juice ng celery ay nakakatulong upang pakalmahin ang heartburn at iregulate ang acidity s...

Anim na Madaling Paraan Para Mapuksa ang Bukbok sa Bigas

Ang pesteng bukbok ay pangunahing problema ng National Food Authority o NFA dahil napakaraming mga nasisirang mga bigas na sana dapat ay makakain ng mga tao. Ngunit sadyang napakabilis at matindi kung manira ang mga ito. Bukod pa, ito rin ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng hindi magandang lasa ang ating sinaing. Karaniwan na nagkakaroon ng ganitong peste sa mga imbakan o bodega ng mga pagkain tulad bigas.  Ngunit paano kung pati sa inyong bahay ay maging probema mo ito?  Narito ang mga mabisang paraan upang mapuksa ang bukbok o kuto sa bigas (rice weevil):  1.Tanggalin ang mga kontaminadong pagkain   Ang pangunahin at importanteng paraan upang masolusyunan ang problema sa pesteng bukbok ay alisin ang mga pagkain na kasalukuyan ng kinakain o pinamamahayan na nito. Dahil ang insektong ito ay napakahirap kontrolin lalo na kung sobrang dami na. Kaya naman suriin ang mga pagkain na sa tingin ninyo ay maaaring pamugaran tulad ng bigas, oa...