Skip to main content

Anim na Benepisyo ng Malunggay Bukod sa Pamparami ng Gatas sa Isang Ina




Ang malunggay o Moringa oleifera ay isa sa mga gulay na madalas nang makikita na nakatanim sa paligid, kaya naman hindi na nakakasorpresa na tayong mga Pilipino ay isinasama ito sa iba’t-ibang lutuing bahay.
Sa sobrang pangkaraniwan nito, nabibili lamang ito sa murang halaga o kaya naman, maraming pagkakataon na pwede pa itong mahingi nang libre sa inyong kapitbahay. Lingid sa kaalaman ng iba, maliban pa sa epektibo ito sa pagpaparami ng gatas ng mga inang nagpapasuso ng kanilang mga anak, ito rin ay sagana sa sustansya at mga bitamina na lubhang makakatulong sa ating pangkalahatang kalusugan. 


Sa katunayan, nadiskubre na rin ito ng iba’t-ibang bansa at dahil sa dami ng mga benepisyong nakukuha rito, tinagurian na rin itong isang superfood. Kilala rin ito sa tawag na ben-oil tree, horseradish tree, drumstick tree o clarifier tree sa mga bansa sa kanluran.


Ano ang mga Benepisyo na Maaaring Makuha sa Malunggay?
Napakaraming magandang naidudulot ang paggamit sa halamang ito-- mula sa mga dahon nito hanggang sa ugat. Ilan lamang rito ay ang mga sumusunod:
  1. Nakakatulong ito sa ating tiyan at metabolismo. Dahil ito ay natural na pangontra sa bacteria at fungi, epektibo ito upang maiwasan ang mga parasitiko at uod na pwedeng manirahan sa ating tiyan. Nakakapagpabilis rin ito ng ating metabolismo kaya mainam ito sa mga taong nais magbawas ng timbang.
  2. Proteksyon ng ating puso, atay at mga bato (kidneys). Sa mga taong mahilig kumain ng mga pagkain na maalat, mataas sa kolesterol, at sitsirya, makakatulong ang malunggay upang magpababa ang kolesterol, at maialis ang mga lason sa ating katawan dulot ng mga pagkaing hindi masustansya. Dahil rito, maiiwasan natin ang mga s(a)kit sa puso, atay, bato at iba pa.
  3. Suporta sa ating utak at kalusugan ng ating pag-iisip. Dahil mayaman ang gulay na ito sa vitamins E at C, nalalabanan nito ang tinatawag na oxidation at nape-preserba ang ating mga neurons pati na ang mga kemikal  natin sa utak na importante sa pagpapanatili ng memorya, pagbabago ng emosyon at ang natural na kabuoang kalusugan ng ating utak upang magawa nito ang mga tungkulin nito sa ating katawan.


  4. Pang-iwas sa iba’t-ibang s(a)kit tulad ng diabetes at k(a)nser. Napatunayan nang mabisa ang malunggay sa pagpapanatili ng normal na blood sugar natin sa katawan at dahil ito ay sagana rin sa antioxidants, mas malaki ang tyansa nating makaiwas sa k(a)nser kung uugaliin ang pagkain nito lalo na kung sasamahan ng tamang pagkain at regular na pag-e-ehersisyo. Nagbibigay ginhawa rin ito sa s(a)kit ng ulo, s(a)kit ng katawan, lagnat, hika at iba pa.
  5. Panlaban sa impeksyon at mabilis na paggaling ng mga sugat. Ang pinatuyong dahon ng malunggay na dinikdik upang maging pulbos ay mabisang panlunas sa mga simpleng impeksyon sa loob ng katawan tulad ng ubo at sipon. Pwede ring pakuluan ang dahon nito at gawing pantapal sa mga sugat upang mapabilis ang paggaling ng mga ito, gawa nang mataas na konsentrasyon ng vitamins A, C at E rito na siyang mabuti sa ating balat.
  6. Lunas sa implamasyon. Kilala itong mabisang pampatibay ng ating proteksyon laban sa mga karamdaman, at isa ang implamasyon sa natural na paraan ng ating katawan upang labanan ang mga ito. Kaya lamang, sa katagalan, pwede itong mauwi sa mga komplikasyon kaya maiging pahupain ang implamasyon kalaunan at ito ay maaaring magawa ng malunggay. Epektibo rin itong panlunas sa pamamaga ng ating mga kasu-kasuan at litid.

Tunay ngang napakaraming gamit ng halamang ito at sa panahon ngayon, hindi na lamang ito sa pagkain maaaring makuha. Ang dahon nito ay matatagpuan na rin sa pormang tableta at nagsisilbing supplement na pwedeng inumin araw-araw. Kung mas nais naman ang mas natural na paraan ay maaaring ilaga ang mga dahon nito upang gawing tsa-a o kaya’y patuyuin at dikdikin para maging pulbos na maaaring idagdag sa tubig inumin o sa mga pagkain. Kung nais naman gamitin ang ugat, pwede itong dikdikin at ipahid sa balat, ngunit ito ay hindi pinapayong kainin. 

Comments

Popular posts from this blog

7 Benepisyo Ng Pagkain Ng Langka Sa Ating Katawan!

Ang langka   ay isang prutas na kilalang-kilala sa Pilipinas dahil sa lasa at kakaibang amoy nito at karaniwang iniluluto na minatamis o ginataan. Ang prutas na ito ay mayaman s bitamina, mineral, at anti-oxidants na maganda para sa ating katawan.  Marami sa atin ang madalas magluto ng langka dahil sa matamis at masarap nitong lasa. Alam niyo ba na hindi lang ito masarap, ito rin ay isang halamang gamot na panlaban sa iba't ibang karamdaman at nakakapagbigay ng maraming health benefits. Narito ang mga importanteng benepisyo ng pagkain ng langka! 1. Nagbibigay proteksyon sa colon Dahil sa taglay nito anti-oxidant properties, kaya nitong bigyan ng proteksyon ang colon o bituka. Ito rin ay punong-puno ng fibers na kaya linisin ang iyong bituka upang ikaw ay makadumi ng maayos.  2. Proteksyon sa mata Ang langka ay mayroong bitamina A na isang nutrient na kailangan ng ating mata. Nakakatulong din itong iimprove ang iyong paningin ...

7 Nakakamanghang Benepisyo Ng Paglalagay Ng Yelo o Ice Cube Sa Mukha Para Pampaganda

Dala ng mainit na panahon at matinding sikat ng araw, hindi maikakaila na ang ating balat ay nagsisimulang maging mukhang stressed at dull. Dahil dito, ang pagpahid ng ice cube o yelo sa mukha ay nakaka-refresh sa pakiramdam.  Kapag araw-araw ay nakakaranas ng stress ang iyong mukha at balat, ang ice facial ay makakatulong sa iyo upang maibalik ang dating glow ng mukha. Narito at alamin ang benepisyong hatid nito kaya naman nagiging beauty trend ito. 1. Nakakapagpaliit ng pores Kapag mainit ang panahon, ang ating mga pores sa mukha ay naka-open. At kung palaging ganito ang sitwasyon, mas maraming dumi ang kumakapit sa ating mukha at maaaring siyang maging dahilan kung bakit tinutubuan ng tigyawat. Ang pagpahid ng ice cube sa iyong mukha matapos itong hugasan ay nakakatulong upang mapaliit ang iyong mga pores at maiwasan ang pag-accumulate ng dumi. 2. Ibinabalik ang glowing skin Lahat naman ay ninanais na magkaroon ng makinis at glowing skin. At an...

5 Amazing Health Benefits ng Langka o Jackfruit na Dapat Ninyong Patuuan ng Pansin!

Ang langka ay isang prutas na may malaking puno, hugis bilugan na pahabang malaking bunga, na may tusok-tusok na kulay berdeng balat, kulay dilaw ang laman sa loob, may mabangong amoy at masarap na lasa. Maaari itong kainin at isama sa mga ibang lutuing pagkain. Hindi lamang ito masarap na kainin nagbibigay rin ito ng magandang benepisyo sa katawan at isa rin itong halamang gamot na makatutulong sa mga karamdaman o sakit. Ito ay punong puno ng nutrisyon at benepisyong taglay para sa malusog na kalusugan. Mula sa ugat, dagta, dahon at bunga nito ay nagbibigay ng benepisyo para sa ating katawan na makatutulong sa atin. Subalit pana-panahon lamang ang prutas na langka, kaya naman hanggat mayroon nito, dapat kayong bumili at kumain nito upang makuha ang magandang benefits ng langka. Narito ang mga benepisyong maaaring makuha mula sa langka: 1. Laban sa k^nser Ang langka ay may nilalaman na kayang labanan at pigilan ang k^nser cells sa ating katawan...