Nakakatulong na Benepisyong Hatid ng Dahon ng Kamoteng Kahoy sa Ating Katawan Kapag Ininom ang Katas Nito
Alam niyo po ba na ang simpleng dahon ng kamoteng kahoy na makikita lamang kadalsan sa ating bakuran ay mayroon palang benepisyo sa atin?
Isa ang kamoteng kahoy sa mga karaniwang espesyal na lutuin ng mga pilipino. Madalas na makita itong nakatanim sa mga bakuran. Kaya naman iba't ibang klase ng mga lutuin ang ginagawa rito tulad ng kalamay, suman, ukoy, bibingka, at iba pa. Ito rin ay mayaman sa nilalaman na benepisyong nakabubuti sa ating kalusugan. Ngunit hindi lamang ang ugat nito ang kapaki-pakinabang dahil pati ang dahon ay naglalaman din maraming nutrietns.
Ang dahon ng kamoteng kahoy ay mayaman sa vitamin A at B1, fiber at proteins na kailangan ng ating katawan.
Bukod dito, ang pagkonsumo ng dahon ng kamoteng kahoy ay mayroong mga sumusunod na benepisyo sa atin:
1. Nakapag-tataas ng kaganahan sa pagkain
Tradisyunal na ginagamit ang tangkay at dahon ng kamoteng kahoy bilang gamot. Sa pamamagitan ng katas ng dahon ng kamoteng kahoy na may kasamang luya o bawang, makatutulong upang manumbalik ang inyong kaganahan sa pagkain. Kaya naman gawin lamang ito araw-araw bago kumain ng almusal.
2. Pampalakas ng katawan
Dahil sa nilalaman na protina at essential amino acid, matutulungan nito ang katawan na mabigyan ng tamang kalakasan o enerhiya. Mayroon rin itong kakayahan na palitan ang carbohydrates sa ating katawan ng sapat na level ng energy na siyang makakapagpalakas sa ating katawan.
3. Para sa Arthritis
Sa natural na remedyong ito kailangan ng labinlimang piraso ng dahon at tangkay ng kamoteng kahoy, isang kutsara ng luyang dilaw(powder) o kaya naman isang piraso ng luyang buo at limang piraso ng tanglad. Pakuluan ang mga ito hanggang sa lumabas ang kanilang mga katas. Matapos salain ito at maaari ng inumin ng dalawang beses sa isang araw. Bukod pa, maaaring gumawa ng paste gamit ang limang pirasong dahon ng kamoteng kahoy at betelnut. Haluin ang dalawa at lagyan ng kaunting tubig upang lumabas ang kanilang mga katas. Ipahid sa apektadong bahagi o sa masakit na rayuma tatlong beses sa isang araw.
4. Lagnat at sakit ng ulo
Para sa benepisyong ito magpakulo ng tangkay at dahon nito sa isang litro ng tubig hanggang sa maging kalahati na lamang ito at lumabas ang mga katas. Salain at inumin ito kapag lumamig-lamig na upang maibsan na ang nararamdaman.
5. Mapagkukunan ng anti-oxidants
Ang antioxidants ay nakatutulong upang malabanan ang free radicals na nagdudulot ng kapahamakan sa kalusugan kung saan nasisira nito ang mga malulusog na cell na nagiging sanhi ng mga karamdaman. Bukod rito, ang pag inom ng katas ng dahon nito ay makakatulong na maregenarate ang ating mga cells at mapanatiling normal ang paggawa nito.
6. Mapatibay ang immunity
Dahil sa mayaman ito sa folate at vitamin C kaya rin nitong mapalakas ang immune system at mapanatili ang kalusugan ng buto. Idagdag pa ang kakayahan ng vitamin C na malabanan at masira ang mga iba't ibang virus at bakterya. Kaya maiiwasan ang mga karamdaman at mapabubuti ang kalaksan, tibay at kalusgan ng katawan.
Comments
Post a Comment