Skip to main content

Tatay na Nagtitinda ng Okra sa Kalye na araw-araw na Nagsusumikap Upang May Maibenta, Tinulungan ng Ilang mga Netizens!






Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging masipag lalo na sa pagbabanat ng buo. Nakuha natin ito sa ating mga ninuno na siyang nanguna sa pasimula ng mga negosyo at iba pang gawain na mapagkakakitaan. Sa katunayan kahit na matanda na ay patuloy pa rin ang ilan nating kababayan sa pagtatrabaho at hindi nila alintana ang pagod na kanilang nararanasan sa araw-araw. Samantala, ang ilan sa kanila ay napipilitan nalang gawin ang bagay na ito dahil na rin sa kahirapan ng buhay na sabi nga ng nila ay palala ng palala sa paglipas ng panahon.

Isa na rito si Tatay Octavio Padre Juan na kamakailan lang ay nakaagaw ng pansin ng mga netizen nang maging viral ang kaniyang kwento na ibinahagi sa isang Facebook page na Bulacan Eats. Sa mga ibinahaging larawan online ay makita si Tatay na nagtitinda ng mga okra sa kalye. Gabi na noon ngunit patuloy pa rin ang matanda sa pagtatrabaho at maigi niyang inaayos ang mga paninda. 



Sa kalye na rin natutulog si Tatay kasama ang kaniyang maysakit na asawang naka-wheelchair at sumisilong sila sa isang sirang tricycle na inaayos nila para maging tirahan. Magiliw niya ring ibinahagi na ganoon man kaliit ang kanilang tahanan ay mayroon naman itong dalawang palapag at sa itaas siya natutulog.

Araw-araw siyang nagtitinda sa kalye at walang permanenteng pwesto ngunit madalas siyang makita sa gilid ng Mcdo o Jollibee sa may Pulilan Crossing. Sa ibang mga pagkakataon naman ay nagtitinda si Tatay sa Robinsons terminal lalo na kapag umuulan.






Kasabay ng nasabing post ang panawagan sa mga netizens na malapit sa lugar na sana ay matulungan nila si Tatay sa pagbebenta nang sa ganoon ay maubos kaagad ang kaniyang mga produkto.


Agad namang dumating ang ilang netizens at nagpaabot ng tulong sa matanda at sa katunayan ay naubos kaagad ang mga paninda nito. Kinaumagahan ay mababakas sa mukha ni Tatay Octavio ang ngiti dahil mayroon pa siyang ibang gulay na maaring maitinda kagaya na lamang ng talong, sibuyas at kalabas.

Talaga namang walang bagay ang mahirap kung lahat tayo ay nagtutulungan. Nakakatuwa ring makita na sa pamamagitan ng social media ay nababago natin kahit papaano ang buhay ng iba dahil marami pa rin ang mga taong gustong tumulong sa kanilang kapwa o nagpapakita ng kanilang pagiging maawain at kaunawaan sa ibang tao. 

Comments

Popular posts from this blog

7 Nakakamanghang Benepisyo Ng Paglalagay Ng Yelo o Ice Cube Sa Mukha Para Pampaganda

Dala ng mainit na panahon at matinding sikat ng araw, hindi maikakaila na ang ating balat ay nagsisimulang maging mukhang stressed at dull. Dahil dito, ang pagpahid ng ice cube o yelo sa mukha ay nakaka-refresh sa pakiramdam.  Kapag araw-araw ay nakakaranas ng stress ang iyong mukha at balat, ang ice facial ay makakatulong sa iyo upang maibalik ang dating glow ng mukha. Narito at alamin ang benepisyong hatid nito kaya naman nagiging beauty trend ito. 1. Nakakapagpaliit ng pores Kapag mainit ang panahon, ang ating mga pores sa mukha ay naka-open. At kung palaging ganito ang sitwasyon, mas maraming dumi ang kumakapit sa ating mukha at maaaring siyang maging dahilan kung bakit tinutubuan ng tigyawat. Ang pagpahid ng ice cube sa iyong mukha matapos itong hugasan ay nakakatulong upang mapaliit ang iyong mga pores at maiwasan ang pag-accumulate ng dumi. 2. Ibinabalik ang glowing skin Lahat naman ay ninanais na magkaroon ng makinis at glowing skin. At an...

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na ...

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-...