Kung gusto mo talagang makatulong sa iyong kapwa, hindi hadlang kung ano man ang iyong estado sa buhay. Mayaman ka man o mahirap, kung gusto mo talagang makatulong sa iyong kapwa ay gagawa at gagawa ka talaga ng paraan. Hinangaan ang 31 taong gulang na lalaki at ang kanyang pamilya dahil sa pamamahagi ng kanilang mga pananim na gulay sa kanilang mga kabarangay sa Malasiqui, Pangasinan. Ang lalaki na si Joel Espinoza o mas kilala sa pangalan na "Erning Kalabaw" ay napagpasyahan niya at ng kanyang pamilya na magdonate ng kanilang mga harvest na gulay tulad ng talong sa kanilang komunidad. Sa katunayan, si Espinoza ay isang buko vendor sa Candon City, Ilocos Sur. Mayroon siya asawa at isang anak. Ang kanyang pamilya ay nasa Barangay Binalay at kinalakihan nila ang pagsasaka katulad ng ibang mga residente doon. Aniya, napanuod niya ang isang video na tinatawag na "Mayaman Challenge" na kung saan inuudyukan ang mga mayayaman na tumulong s...
Giving you the juiciest updates available anytime, anywhere.