Isa ang highblood at diabetes sa pangunahing kondisyon na makikita lalo na sa mga Pinoy dahil na rin sa unhealthy lifestyle ngayon. Ngunit sa paglipas ng panahon, mas dumadami rin ang mga kasong stroke dahil hindi na rin nila alam na sila ay may hindi normal na presyon sadugo.
Ang stroke ay isang uri ng ng sakit na kung saan maaring nag karoon ng pag bara sa utak o kaya naman ay may pumutok na ugat sa utak ng taong apektado nito. Hindi kaagad agad na dedetect ang stroke, maaring linggo, buwan o taon na palang may bara ang utak ng pasyente ngunit hindi nila ito alam hanggang sa dumating nga lang ang araw na talagang hindi na kinaya ng kanilang kantawan at inatake na ito kung saan doon pa lamang nalalaman na ito ay nakaranas na pala ng stroke.
Ngunit maaari namang maiwasan ang ganitong kondisyon sa pamamagitan ng pagkakaroon ng healthy lifestyle. Kaya kung sa tingin mo sa mga lumipas na buwan o taon ay madalas ang pagkain mo ng oily food, fast food at mga foods with preservatives baka ito na ang tamang panahon na baguhin mo na ang iyong lifestyle.
Narito ang ilan sa mga tips kung ano ang mga bagay na dapat iwasan para ma-prevent ang stroke.
- Sabi nga ng nakakarami "Drink Moderately". Kung ikaw ang tipo ng tao na hindi na ma control ang pag inom ng alak, panahon na para ikaw ay mag bagong buhay! Isa lamang ang stroke sa maaaring maging resulta ng sobrang pag inom, kung tutuusin marami pang iba na pwedeng maging epekto nito sa katawan kagaya nalang ng liver c(a)ncer. Kaya hanggang maaari kung hindi naman kinakailangan ay huwag nang uminom ng alak at uminom nalang ng madaming tubig na siyang nakakabuti para sa ating katawan.
- Ayon sa WHO ang pinaka ideal blood pressure ng isang tao ay 120/80, ngunit pwede ka namang umabot sa 135/85 basta hindi na ito tataas pa o baba pa sa nasabing blood pressure. Maraming bagay ang pwedeng gawin o kainin upang maiwasan na tumaas ang blood pressure, kagaya nalang ng pag kain ng healthy food.
Hanggat maaari ay iwasan ang pagkain ng labis ng mga cheese, burgers, ice cream at ibang foods na may mataas ang cholesterol at sugar content. Bawasan din ang masyadong pag kain ng mga maalat at subukang limitahan ang sarili na at least hanggang 1 teaspoon o 1500 milligrams kada araw lamang.
Ang pag eehersisyo o kahit man lang 30 minuto kada araw ay malaking contribution sa pag baba ng BP. Kumain din ng mga pagkaing may sapat na nutrisyon at bitamina. Sa loob ng isang araw dapat aabot sa 4- 5 cups ang nakakain mong gulay at mga prutas , kumain ng isda at least 2 beses sa isang linggo imbis na baboy at piliin ang mga low-dairy and whole grain foods na maging parte ng iyong diet. Sa ganitong paraan ma kokontrol mo ang iyong BP.
3. Iwasan o itigil na ang paninigarily0
- 200 - 400 % ang chance na magkaroon ng stroke ang isang tao na naninigarily0. Kaya ganun nalamang ang kaliwat kanan na campaign ng gobyerno upang ma-hikayat ang nakakarami na hanggang maaari iwasan na o huwag nang manigarily0.
Respiratory tract ang pinaka unang nadadale sa katawan ng taong mahilig manigarily0. Ngunit para naman sa mga hindi naninigarily0, iwasan ding maging second hand at third hand sm0ker. Dahil mas malala ang maaring maging epekto nito sa inyong katawan, lalo na ang third hand sm0ker. Sapagkat nalalanghap na nito ang lahat na naiwang toxins na hindi nalanghap ng first hand at second hand kaya mas delikado ito sa ating katawan.
4. Mag exercise araw araw
- Para maiwasan ang stroke, isa sa mga maaari mong gawin ay ang mag ehersisyo. Maglaan ng oras kahit na 30 minuto lamang kada araw upang mas mapalakas ang iyong pangangatawan. Tandaan, hindi ka lalaban ng marathon o kaya ng boxing championship kaya hindi mo namang kinakailangan mag gym o kaya sumali sa iba't ibang laban ng sports.
Ang pinaka simple na pwede mong gawin ay mag brisk walking, jogging, swimming or kahit na anong exercise na nanaisin mo, basta dahan dahan lamang at hindi kailangan biglain ang iyong katawan at siguraduhing maging parte na ito ng pang araw araw mo na buhay.
- Ang mga pagkaing low in saturated fat, trans fat, cholesterol, salt, and added sugars ang mga dapat na kinakain mo sa pang araw araw. Sa ganitong paraan mas mapapangalagaan mo ang iyong sarili dahil may mga bitamina ito na maaring makatutulong upang mas mapalakas ang iyong resistensya.
Iwasan din ang pag kain ng mga processed foods kagaya ng mga de lata, fastfoods, noodles at iba pa , sa kadahilanang napakaraming preservatives ang inilagay dito at hindi mo nanaisin ang kapahamakan na maaring midulot nito sa iyong katawan at mas piliin nalang na kumain ng mas masusutansyang pagkain gaya ng whole grain snacks, fish, lean meats, fruits at veggies
Walang nang iba pang makakatulong sa iyo kundi ang sarili mo lamang. Kaya kung ninanais mo na mas mamuhay pa ng matagal kailangang pangalagaan mo din ang iyong sarili.
Comments
Post a Comment