Sa panahon ngayon ng kagipitan, bibihira na lamang ang mga matatapat na tao. Lalo na't pansamantalang natigil ang mga trabaho, negosyo at kita ng ilan, pahirapan talaga ang humanap ng pera. Mabuti na rin lamang na kahit papaano ay nagbibigay ng ayuda ang ating g0byerno.
Kung ang iba ay pinagkakaguluhan ang pinansiyal na tulong sa kanila ng g0byerno, ang isang matapat na babae na ito ay piniling isauli na lamang ang Php5,000 ayuda na kanyang natanggap dahil nakatanggap na raw ang kanyang asawa.
Hinangaan ang 28 taong gulang na misis na si Whendy Pido na taga Basak, Magpet, North Cotabato.
Kusang loob niyang ibinalik ang pera dahil madodoble na ang matatanggap ng kanyang pamilya kapag tinago pa niya ito.
Wika niya,
"Kusa ko pong ibinalik yung perang naibigay sa kin ng mga taga barangay mula sa Social Amelioration Program sa dahilang nabigyan na ang aking asawa na nasa kabilang barangay. Mas kailangan ito ng iba pang higit na nangangailangan dulot ng Covid-19 krisis sa aming barangay. Hindi ko po tinanggap dahil dodoble na ang aming matatanggap na ayuda at alam ko po na maaari kaming makul0ng hinggil dito."
Hirap man sa buhay ay mas minabuti niyang maging matapat at isipin ang kapakanan ng kanyang kapwa na mas labis na nangangailangan ng tulong. Alam naman natin na lahat ay naapektuhan sa krisis na ito, pero ang kahanga-hangang si Whendy ay nanatili ang kanyang pagiging mabuting mamamayan sa lipunan.
Pinuri naman mga netizen ang ginang dahil sa panahon ngayon, mahirap ng makahanap ng matapat na tao. Narito ang ilang sa mga komento ng mga netizens.
"Aside from concern, what I have seen in this woman is her honesty, knowing that her husband has already received that assistance, she is utterly honest to return her share of the cake. Sana marami pang katulad niya, hindi makasarili."
"Good job nanay, isa kang tunay na may malasakit sa mga mas lalong nangangailangan."
"Sana ganyan ang ugali nating lahat pero mayroong mga ganid na tao kaya ganito ang nangyayari sa atin, maraming makasarili gusto sila lang ang mabuhay sa mundo."
"Proud pinoy, yan po ang dapat tularan di gahaman o sakim sa pera."
Source: Facebook
Comments
Post a Comment