Sadyang hindi komportableng pakiramdam ang pagkakaroon ng baradong ilong, bukod sa hirap ka sa paghinga ay minsan ay nakakaapekto rin ito sa panlasa at pandinig. Maraming mga dahilan kung bakit tayo ay nagkakaroon ng baradong ilong, isa na rito ay ang pagkakaroon ng labis na produksyon ng mucus o sipon, allergies, pagbabago ng hormones, impeksy0n, at iba pa. Ngunit hindi naman agad-agad kailangang uminom ng gam0t upang mawala ang pagkakaroon ng baradong ilong. Sa katunayan, mayroong mga simpleng paraan na maaari mong gawin upang guminhawa ang iyong pakiramdam. Narito at inyong alamin. 1. I-massage ang bahagi sa pagitan ng iyong mga kilay Sa paraang ito, makakatulong ito upang mabawasan ang implamasyon at panunuyo ng iyong mga sinus. Nababawasan rin nito ang pressure sa iyong frontal sinus na kung minsan ay siyang nagdudulot ng pagsak!t ng ulo. Imasahe ito ng dahan-dahan sa loob ng ilang minuto upang guminhawa ang iyong pakiramdam. 2. I-massage ang gil...
Giving you the juiciest updates available anytime, anywhere.