Skip to main content

Ano ang Benepisyo ng Pag-inom ng Isang Kutsara ng Apple. Cider Vinegar?






Itinuturing na isang superfood ang apple cider vinegar kung saan marami itong benepisyal na maihahandog sa ating kalusugan kaya naman marami ang iniinom ito ng puro upang makuha ang benepisyo nito.


May iba't ibang paraan ang pagkonsumo sa benepisyong taglay ng apple cider vinegar tulad ng pagsama sa inyong panligo, bilang inumin o di kaya naman salad dressing. Pero sa mga taong nais makuha ang benepisyo nito ay inihahalo nila sa tubig at ito ay iniinom tuwing umaga bago mag almusal.



Ano nga ba ang pinakamagandang benepisyo ng Apple Cider Vinegar?

1. Lunas sa mabahong hininga


Ang ating bibig ay pinamumugaran ng maraming bakterya kaya naman ito ang nagiging sanhi ng mabahong hininga. Ngunit sa pamamagitan ng pag-inom sa isang kutsarang apple cider vinegar ay matatanggal ang mga bakteryang ito sa loob ng ating bibig. Ito ay mas epektibong mumugin tuwing umaga pagkagising.

2. Pampatatas ng insulin sensitivity



May nilalaman na sangkap ang apple cider na nakatutulong sa pagpababa ng lebel ng asukal sa dugo. Kaya naman uminom ng dalawang kutsarang apple cider vinegar bago matulog sa gabi upang makuha ang benepisyal na taglay. Ngunit kung nasa kasalukuyang medikasyon kailangan ikonsulta muna sa inyong doktor bago simulan ang natural na remedyong ito para hindi magkaroon ng komplikasyon sa mga gamot na iyong iniinom.

3. Mabawasan ang pananakit ng kasukasuan


Kadalasan sanhi ng kakulangan sa potassium ang pananakit ng kasukasuan. Upang matanggal ang karamdaman na ito ay mabuti ang pag-inom ng apple cider vinegar dahil mayroon itong potassium at anti-inflammatory properties.

4. Gamot sa sore throat

Nagtataglay ng natural na anti-bakteryal ang apple cider vinegar. Bukod pa rito ay nakakagawa ito ng acidic environment sa ating lalamunan upang mapuksa ang mga bakterya o virus dito. Kaya sa pamamagitan ng pag-inom nito na nakahalo sa isang basong tubig ay makatutulong sa iyo para bumuti ang pakiramdaman. Mabuti rin ang pag-mumog ng apple cider ng 30 seconds upang mas guminhawa ang pananakit ng lalamunan.

5. Gumanda ang pisikal na katawan


Labis ba ang iyong katabaan at gustong pumayat? Alam niyo ba na ang Apple Cider Vinegar ang isa sa mga pinakamabisang inumin upang mabawasan ang timbang? Ito ay dahil sa benepisyo nitong madissolve ang fats sa katawan.

Paraan sa pagkonsumo:


Makukuha ang benepisyong taglay nito sa pamamagitan ng paghalo sa apple cider vinegar sa isang basong tubig at inumin bago matulog. Maaari na ang isang kutsara o di kaya naman dagdagan pa ng isa kung mas gugustuhin. Samahan na rin ng honey para sa mas masarap na lasa at karagdagang benepisyo sa kalusugan.

Comments

  1. I am amazed by the way you have explained things in this article. Great job for publishing such a nice article. Your article isn’t only useful but it is additionally really informative. Thank you because you have been willing to share information with us. Water Activity Control in Meat.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

7 Benepisyo Ng Pagkain Ng Langka Sa Ating Katawan!

Ang langka   ay isang prutas na kilalang-kilala sa Pilipinas dahil sa lasa at kakaibang amoy nito at karaniwang iniluluto na minatamis o ginataan. Ang prutas na ito ay mayaman s bitamina, mineral, at anti-oxidants na maganda para sa ating katawan.  Marami sa atin ang madalas magluto ng langka dahil sa matamis at masarap nitong lasa. Alam niyo ba na hindi lang ito masarap, ito rin ay isang halamang gamot na panlaban sa iba't ibang karamdaman at nakakapagbigay ng maraming health benefits. Narito ang mga importanteng benepisyo ng pagkain ng langka! 1. Nagbibigay proteksyon sa colon Dahil sa taglay nito anti-oxidant properties, kaya nitong bigyan ng proteksyon ang colon o bituka. Ito rin ay punong-puno ng fibers na kaya linisin ang iyong bituka upang ikaw ay makadumi ng maayos.  2. Proteksyon sa mata Ang langka ay mayroong bitamina A na isang nutrient na kailangan ng ating mata. Nakakatulong din itong iimprove ang iyong paningin ...

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-...

7 Nakakamanghang Benepisyo Ng Paglalagay Ng Yelo o Ice Cube Sa Mukha Para Pampaganda

Dala ng mainit na panahon at matinding sikat ng araw, hindi maikakaila na ang ating balat ay nagsisimulang maging mukhang stressed at dull. Dahil dito, ang pagpahid ng ice cube o yelo sa mukha ay nakaka-refresh sa pakiramdam.  Kapag araw-araw ay nakakaranas ng stress ang iyong mukha at balat, ang ice facial ay makakatulong sa iyo upang maibalik ang dating glow ng mukha. Narito at alamin ang benepisyong hatid nito kaya naman nagiging beauty trend ito. 1. Nakakapagpaliit ng pores Kapag mainit ang panahon, ang ating mga pores sa mukha ay naka-open. At kung palaging ganito ang sitwasyon, mas maraming dumi ang kumakapit sa ating mukha at maaaring siyang maging dahilan kung bakit tinutubuan ng tigyawat. Ang pagpahid ng ice cube sa iyong mukha matapos itong hugasan ay nakakatulong upang mapaliit ang iyong mga pores at maiwasan ang pag-accumulate ng dumi. 2. Ibinabalik ang glowing skin Lahat naman ay ninanais na magkaroon ng makinis at glowing skin. At an...