Pangarap ng mga kababaihan ang maging isang ina kaya naman kapag ang isang babae ay nabibiyaan ng supling ay hindi mapapaliwanag ang saya na kaniyang nararamdaman dahil isa itong fulfillment sa buhay.
Subalit hindi madali ang pagdadalang tao lalo na kung ito ay sa unang pagkakataon. May ilang bagay na ipinagbabawal upang maging healthy ang bata na nasa loob ng iyong sinapupunan.
Ito ang limang bagay na madalas ipinagbabawal at dapat mong iwasan kung nais mo na maging healthy at safe ang iyong pagdadalang tao:
1. Sobrang pagkonsumo ng caffeine
Isa ka ba sa mga kinahihiligan ang paginom ng kape? Ang Kape ang isa sa pinagbabawal na inumin ng isang expectant mother sapagkat ito ay mayroong mataas na level ng caffeine na maaaring makakaapekto sa timbang ng iyong anak kung saan maaaring lumaki ito at ikaw ay mahihirapan sa pag-ire sa bata. Bukod sa kape kabilang rin ang mga inumin na chokolate, milktea, at tsaa na naglalaman ng caffeine na hindi dapat ikonsumo ng isang buntis.
2. Paginom ng ibuprofen at aspirin
Karaniwang makaramdam ng pananakit ng ulo at bigat ng katawan ang mga taong buntis subalit hindi maaaring uminom ng mga gamot na delikado para sa bata. Isa na rito ang pag-inom ng ibuprofen pain reliever na nagdudulot ng depekto sa bata. Ang pag-inom rin ng aspirin o blood thinning agent ay ipinagbabawal dahil maaaring magdulot ng labis na pagdurugo sa loob ng sinapupunan.Mainam komunsulta muna sa iyong doktor bago uminom ng mga pain relievers.
3. Pagligo ng mainit na tubig
Ang pagbabad sa pagligo ay labis na nakakaginhawa sa pakiramdam lalo na sa mga taong buntis dahil tumataas ang init ng temperatura sa kanilang katawan. Ngunit ang pagligo at pagbabad sa mainit na tubig ay hindi nakabubuti. Ayon sa American Pregnancy Association maaaring magdulot ng depekto sa bata ang gawaing ito kaya naman dapat iwasan at huwag gawin lalo na sa iyong first trimester.
4. Hindi pag-ehersisyo
Hindi alam ng karamihan na ang pag-eehersisyo ay isa sa pinaka helpful na bagay pagdating sa pagbubuntis dahil ito ay makakatulong upang mas maging ready ang iyong katawan sa paglabas ng iyong sanggol.
Ang pag-ehersisyo o paggawa ng Kegel exercise ay napakabenepisyal hindi lamang para sa preparasyon ng panganganak pati na rin sa pag-iwas sa pagkakaroon ng leaky bladder matapos manganak. Tandaan lamang na maging maingat sa pag-eehersisyo upang maiwasan ang ano mang komplikasyon.
5. Mabahong amoy na dumi ng pusa
Bukod sa nakakainis at mabahong amoy na dulot ng dumi ng pusa ay naglalaman rin iro ng parasites na nagiging sanhi ng toxoplasmosis kung saan ito ay isang impeksyon na nagdudulot ng lagnat, pagkirot ng muscles at pananakit ng lalamunan. Ayon rin sa NHS maaari rin na humantong sa pagkalaglag ng sanggol o stillbirth kaya mas mainam na magsuot ng facemask upang hindi malanghap ang feces ng mga pusa
Comments
Post a Comment