Sadyang hindi komportableng pakiramdam ang pagkakaroon ng baradong ilong, bukod sa hirap ka sa paghinga ay minsan ay nakakaapekto rin ito sa panlasa at pandinig. Maraming mga dahilan kung bakit tayo ay nagkakaroon ng baradong ilong, isa na rito ay ang pagkakaroon ng labis na produksyon ng mucus o sipon, allergies, pagbabago ng hormones, impeksy0n, at iba pa.
Ngunit hindi naman agad-agad kailangang uminom ng gam0t upang mawala ang pagkakaroon ng baradong ilong. Sa katunayan, mayroong mga simpleng paraan na maaari mong gawin upang guminhawa ang iyong pakiramdam.
Narito at inyong alamin.
1. I-massage ang bahagi sa pagitan ng iyong mga kilay
Sa paraang ito, makakatulong ito upang mabawasan ang implamasyon at panunuyo ng iyong mga sinus. Nababawasan rin nito ang pressure sa iyong frontal sinus na kung minsan ay siyang nagdudulot ng pagsak!t ng ulo. Imasahe ito ng dahan-dahan sa loob ng ilang minuto upang guminhawa ang iyong pakiramdam.
2. I-massage ang gilid na parte ng iyong ilong
Nakakatulong ang paraan na ito upang bumukas ang iyong nasal passages at makakatulong ito upang mas madaling malabas ang iyong sipon. Gamit ang dalawang daliri, masahihin ng dahan-dahan ang parte na ito ng gamit ang circular movements.
3. Gumamit ng air humidifier
Kadalasan na bumabara ang ating ilong kapag ang hangin na ating nalalanghap ay dry, katulad na lamang kapag ikaw ay nasa isang kwarto na naka-aircon. Kapag ang air humidity ay mas mababa sa 40%, ang mucus sa iyong ilong ay natutuyo na siyang nagdudulot ng pagbara nito. Ang mainam na solusyon dito ay gumamit ng air humidifier dahil ginagawa nitong moist ang nalalanghap mong hangin.
4. Warm compress sa ilong
Gamit ang kapirasong tela o bimpo, painitin ito sa microwave o sa mainit na tubig. Itapal ito sa iyong ilong ngunit siguraduhin na hindi itong sobrang init na maaaring makapinsala sa iyong balat. Ang init na nagmumula sa tela o bimpo ay makakatulong upang lumuwag at matunaw ang mucus na siyang nagpapabara ng iyong ilong.
5. Steam inhalation o pagtutuob
Katulad ng warm compress, ang pagtutuob o steam inhalation ay nakakatulong din upang mapaluwag ang mga nasal passages upang mas makahinga ng mabuti. Ang dapat lang na tandaan na dapat ay maging maingat sa pagsasagawa ng paraang ito dahil maaari itong maging sanhi ng pagkapaso.
Comments
Post a Comment