Sa ating panahon ngayon, napaka konti na lang ang mga taong totoong mapapagkatiwalaan at mayroong malinis na intensyon. Lalung-lalo na kapag ikaw ay nakawala ng isang napakaimportanteng gamit. Maliit ang tyansa na maibabalik pa sayo ang nawala mo (lalo na siguro kung pera ito). At sinuswerte ka na lang talaga kung maibabalik pa sayo ito ng buong buo.
Paano na lang kung mahigit isang milyong piso ang nawala mo o naiwan mo sa isang pampublikong sasakyan? Mataas ang tyansa na hindi na maibabalik sayo ito dahil sa dami ng taong may masamang balak at nangangailangan ng pera pambayad sa mga utang, malamang ay itatakbo na nila ito.
Ibahin natin ang kwento ng isang 50 taong gulang na babaeng bus conductor na ito sa Thailand, na nakikilala bilang Summon Matidul.
Isang pasaherong lalaki ang sumakay sa kanyang pinagtatrabahuhang bus, ngunit nang bumaba ito ay may naiwan siyang isang bag sa kanyang kinaupuan.
Laking gulat ni Matidul noong makita niya ang naiwan bag dahil ang nilalaman nito ay limpak-limpak na salapi, na nagkakahalaga ng 1.5M baht o mahigit kumulang 1.5 milyong piso.
Walang pag-aalinlangan na isinurender ng buong-buo ni Matidul ang bag na may nilalamang pera sa bus station. At dahil naaalala niya na ang bag ay pagmamay-ari ng isang lalaki, na nasa mga 30 taong gulang pataas ang edad.
Makalipas ang ilang oras, ay bumalik ang nasabing lalaking nagmamay-ari ng bag sa bus station at kinilala siya bilang isang gynecologist.
Nang malaman niya na ang bus conductor ang nagbalik ng bag, ay binigyan niya ito ng pabuya na hindi mo aakalain. Dalawang pack ng candy!
Hindi na nabanggit kung anong klaseng candy ito. Pero walang karekla-reklamong tinanggap ito ng buong puso ng mabait na kundoktor. Ayon sa kanya, ginawa niya ang tama hindi dahil sa gusto niyang mabigyan ng pabuya. Ginawa niya iyon, dahil iyon ang tama at nararapat.
Nang kumalat sa social media ang tungkol dito, maraming netizen ang nagalit at nabigay ng negatibong komento dahil sa binigay ng lalaking gynecologist. Ayon kay Matidul, tanggap niya kung ano man ang naging pabuya niya. At ang importante, ay naibalik ang pera sa tamang may-ari.
Sa kabutihang palad, isang professor sa Chulalongkorn University ang nakaalam ng balita at biniyayaan si Matidul ng 15,000 baht (mahigit Php22,000) dahil sa kanyang kabutihang loob.
Source: onehallyu.com
Comments
Post a Comment