Naranasan mo na bang sumagi sa isipan mo ang mga salitang, "Tinatamad na akong magtrabaho!" At imbes na sa nagtatrabaho ka nalang ng mabuti ay dinadaan mo pa ito sa puro reklamo.
Isipin mo na lang ang dinaranas nang taong ito araw-araw. Hindi madaling magtinda sa kalye, lalo na't mainit at maraming sasakyan. Mas lalong hindi madali ang maglako ng paninda kung ikaw ay may kapansanan.
Ayon sa Facebook post ng isang netizen na si A. Sabalza, laking gulat niya ng makita nya ang lalaking ito na hindi naging hadlang sa kanyang patuloy na paghahanap buhay araw-araw ang kanyang kapansanan.
Ayon sa kanya, ang lalaking ito ay nagtitinda ng buko salad sa mga kalye ng Bagong Silang, Caloocan City. Ngunit anong kapansin-pansin sa kanya ay ang nakawheel chair siya habang naglalako ng paninda.
Kung makikita mo, ang wheel chair nito ay kakaiba. Dinugtungan ito ng bubong na may takip na tarpaulin at isang kahoy ang inilagay sa kanyang harapan na nagsisilbing patungan ng kanyang ice chest na may lamang buko salad.
Ayon sa netizen, kadalasan niyang nakikita ang lalaking ito na nagpapakahirap araw-araw na kumayod para lang may pang tustos sa pamilya. At sa mga gustong tumulong ay matatagpuan lamang siya doon sa nasabing lugar kung saan siya naglalako ng paninda.
Nang maipost ito sa Facebook ay agad itong nagtrending. Marami ang nagpost ng positibong komento at sinasabing dapat ay parangalan ang lalaking ito sa pagsusumikap niyang magtrabaho kahit na ito ay may kapansanan.
Tumatayong isang mabuting halimbawa si kuya sa ating lipunan. Sana ay maging inspirasyon siya sa lahat tao, na kahit siya ay may kapansanan ay hindi ito naging hadlang upang gampanan niya ang kanyang mga responsibilidad sa buhay.
Source: kami.com.ph
Comments
Post a Comment