Talagang namang patuloy pa rin ang pambibiktima ng ibang tao para lang makakuha ng pera. Iba't ibang modus ang nababalitaan natin lalo na't ngayong palapit na naman ang kapaskuhan.
Bagamat nasa listahan na ng mga autoridad kung ano-ano at sino-sino ang mga gumagawa nito, hindi pa rin maikakaila na naghahanap pa rin ang mga manloloko ng bagong paraan para makapang-biktima ng kapwa.
Isang Facebook user na nakilala bilang Ginna Rapsing Kvebek-Olsen, ang nag-share ng kanyang karanasan sa social media sa bagong modus operandi na ito.
Ayon sa kanya, bandang mga 6pm nang bilang nagtext sa kanya ang kanyang shopkeeper na mayroon daw pinadalang package para sa kanya sa tindahan.
Kwento ng kanyang shopkeeper, na meron daw isang lalaki na nakamotor ang huminto sa kanilang retail shop. Dahil wala ang may-ari sa oras na iyon, mag-isa lang ng kanyang tagabantay ang naroroon.
Pagpasok ng lalaki sa shop, animo'y may kausap daw ito sa kanyang cellphone at kunwaring si Ginna ang kausap nito. Ang sabi daw ay iwan ang package at singilin ito ng 1000 pesos bilang kabayaran.
Sa kasamaang palad, naibigay ng tagabantay ang isang libo sa lalaking may dala ng package. Nang matauhan ito, bigla itong tumawag kay Ginna at kinuwento ang nangyari. Hindi niya alam na binudol-budol na pala siya.
Nang binuksan ang package, nakitang eto ang nilalaman:
puro mga BATO! Madami na talagang masasamang tao ngayon at gagawin ang lahat makapangloko lang ng iba para magkapera. Paano na lang kung mga delikadong bagay gaya ng bomba o pampasabog ang nasa loob?
Sa huli ay binalaan na lang ni Ginna ang lahat na mag-ingat at maging mapanuri. Bago tumanggap ng package na kaduda-duda, marapat lang na hingan ng ID muna ang nagdedeliver para sa inyong kaligtasan. Nawa'y magsilbing aral ito sa lahat para hindi mabiktima ng ano mang modus.
Source: tnp.ph
Comments
Post a Comment